Chapter XIX

201 6 1
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 19 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

Ball na nila Bee ngayon! Arggghhh! Nakakainis! Di ko siya mababantayan. Haha! Pero may tiwala naman ako sa kanya. Wala kaming pasok kasi busy yung mga teacher sa paghahanda at sa pag-aayos na rin ng mga susuotin nila.

Next year pa ako pwedeng sumama! Ang daya kasi! Dapat kabatch ko na lang si Zed, pero okay lang rin. Makakasayaw ko pa naman siya di ba?

Ako daw papakasalan niya eh! Ako lang mahal nun at wala ng iba! kahit hindi pa kami at least ngayon napapatunayan niya na.

Yung about sa selos, hindi ko sinunod si Zed. Haha! Mabait ako eh. Eh kasi naman di ko naman kayang iwasan ulit si Xavier dahil sa pagseselos ni Zed kaya ayun nag-uusap pa rin kami ni Xavier pero kadalasan sa text or chat na lang. Ayaw kasi talaga ni Zed na magkasama kami. 

"Okay na ba itong coat ko? Gwapo naman ako dito di ba?" Tanong ni Bee sa akin. 

Magkasama kasi kami ngayon sa bahay nila tapos tinatanong niya kung ano daw ba mas bagay at kung gwapo daw ba siya.

"Palagi ka naman gwapo eh. Kaya kahit ano na lang po suotin mo." Sagot ko naman sa kanya habang nakaupo sa kama at kinuha yung magazine sa ilalim ng table niya sa loob ng kwarto niya.

"Hon.. Wag na lang kaya ako sumama, Di naman kita makakasayaw doon." Tumabi siya sa akin tapos sumilip na rin sa magazine na hawak ko.

"Bee, Wag ganon. Wag ka na lang sumayaw para ako ang first dance mo next year!" Tinignan ko siya tapos bumalik ulit tingin ko sa magazine. 

"Eh ikaw din.. Yayayain ako ng maraming babae doon. Baka sila pa makasayaw ko." Aba! Hinahamon ako? Ehh! Wag kasi... 

Di ko siya pinansin pero tumingin lang ako na parang sinasabing kung-gusto-mo-edi-sumayaw-ka.

"Joke lang! Haha! Di naman ito mabiro. Ikaw lang isasayaw ko promise!" Tapos tinaas niya pa yung kamay niya na nagpapromise talaga.

"Sige na bee! malalate ka na! Haha! Ingat ka ah! Wag mambababae.. Haha! Ako lang dapat! ^__^" Tapos tumayo na ako palabas ng pinto ng kwarto niya.

Pero bago ako makalabas ng pinto or should i say ng nakahawak pa lang ako sa door knob bigla niya ako niyakap galing sa likod at bumulong na...

"Promise! Ikaw lang ang babaeng gusto ko makasama at ang babae ko habang buhay bukod kay mama." Kinikilabutan ako pero kinikilig na ewan! Di ko alam ang gagawin ko. Natulala na lang ako bigla tapos 

*Tsup* WAAAHHH! kiniss niya ako sa right Cheek ko! Ang daya! Palagi na lang siya my nakaw na kiss sa akin ah!

"Sige na. Pahatid na lang kita kay manong driver." Tinanggal niya na yung pagkakayakap niya sa akin.

"Huwag na! Kaya ko naman umuwi at isa pa may dadaanan lang ako." Sa totoo niyan nahihiya na kasi ako magpahatid at wala akong dadaanan pero okay na yun.

"Eh.. Pahatid ka na lang sa driver namin kung saan ka man dadaan" Ang kulit rin nitong isa.

"Hindi na. Kaya ko na to. Promise!" Nagpromise sign din ako para mapapayag ko na siya. 

Sana pumayag! Sana! Sana!

"Sige. Basta mag-iingat ka ah!" Sabi niya habang pinagbuksan ako ng pinto nila palabas na ng mismong bahay nila...

"Enjoy the prom! Okay? Basta wag lang mambabae.."Syempre! para sure!

"Okay po. Ingat ka po. I love you!"

"I love you too." At tuluyan na akong umalis ng bahay nila at nagsimulang maglakad.

"Hey! Naglalakad ka mag-isa?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko kaya napalingon ako ng di oras! 

"Uy! Xavier! Ano ginagawa mo dito?" tanong ko naman.

"Naglalakad malamang." Magkasabay na kami ngayon na naglalakad.

Okay? Gandang sagot para sa tanong ko.

"Ahhh..." Wala akong masabi eh.

"Haha! Biro lang. Nadaan lang ako dito. Ikaw saan ka galing?"

"Sa bahay nila Zedrick. Dyan lang." 

"Kayo na ba?"

"Hindi pa. Bakit mo naman natanong?"

"PA? Ibig sabihin sasagutin mo siya?"  Yup! Balak ko na siya sagutin.

"Oo naman. Sweet naman siya sa akin ah.." Totoo naman po di ba?

"Tsk. Pafall lang yun... Sweet sweetan lang." Ano ba yang mga sinasabi niya?

"Eh? Xavier naman eh. Bakit mo naman sinasabihan ng ganyan si Zedrick?" Akala ko pa naman friend ko siya?

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. It's a fact not an opinion." Totoo? Wala siyang alam! Nagbago na si Zedrick ah!

"Pero kahit na. Parang sinisiraan mo naman siya niyan sa akin eh."

"Ayaw lang kitang masaktan." Mas nasasaktan ako sa mga sinasabi mo eh! Nakakainis ka naman Xavier eh! Bakit ka ba nagkakaganyan?

Tumigil ako sa paglalakad kaya medyo nauna na siya sa akin.

"Playboy siya di ba? Baka---" Napatigil siya ng maramdaman niyang wala na siyang kasabay. Tinignan ko lang siya kaya nagkatitigan lang kami.

"Okay Fine! Di na ako magsasalita tungkol sa kanya." Sinasabi niya yun ng nakataas ang dalawang kamay niya na para bang suko na.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero di ko pa rin siya pinapansin kaya nauuna ako.

"Hey Nix.. Sorry na.. Promise talaga di ko na siya gagawing topic dito!" Nakatalikod pa rin ako habang patuloy sa paglalakad

"Di mo ako papansinin?" Tinignan ko lang siya ng emotionless. Curious ako sa sinabi niya kasi parang may gagawin siya eh.

"H-Hoy! Xa-Xavier! ANO BAAA!!! Bumalik ka nga dito!!! DALI NA!!!" Sigaw ko sa kanya habang nagpapanic! Paano ba naman kasi tama bang pumunta sa gitna ng HIGHWAY? Ang daming sasakyan baka masagasaan siya! Nako po... 

"Di mo naman ako papansinin eh! WAG NA LANG!!" Hala! Patuloy pa rin siya sa paglalakad. Ni-hindi man lang ako nilingon?

"PAPANSININ NA KITA! PLEASEEE!! Bumalik ka na dito!! PLEASE?" Nako naman! Napakapasaway talaga. Isip bata porke hindi lang pinansin.. Waaahhh!!!

"TALAGA?" Humarap na siya pero nako naman oh! Delikado siya sa kinatatayuan niya! Buti na lang iniiwasan siya ng mga sasakyan! 

"OO na talaga!!! DALI NA! Bumalik ka na dito!!" Sigaw ko.

"TEKAAA!!" Sigaw niya! Hay Salamat at babalik na rin. Pinapakaba naman ako nitong lalaking to.

**SCREEEEECCCCHHHH*

O_______________O

"WAAAAAHHHHH!!!!! XAVIEEERRRR!!!!"

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon