Chapter XV

201 5 3
                                    

January 1, 2012! Unang araw ng bagong taon natin! Salamat po sa mga nagFAN, nagVOTE, nagCOMMENT at nagLAGAY ng story na ito sa reading list nila! Maraming salamat at dahil diyan eto po ang update ko para sa unang araw na ito! Bago matapos ang araw ng unang taon natin! Eto ang pasasalamat ko sa inyo! HAPPY NEW YEAR TO ALL! I hope all of us will have a fruitful new year! ENJOY~~~ (^__^)

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 15 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

3 weeks na rin ang nakalipas nung nagdate kami ni Zed. Ang saya talaga ng feeling na may someone special ka. Ramdam na ramdam ko kasi eh. Malapit na rin yung prom nila pero yun nga lang di kami kasama kasi nga Sophomore pa lang kami at sila ay Junior na. Next year pa kami pero okay lang masaya naman ako.

“Nicole, kain tayo mamaya sa mcdo” niyayaya niya nanaman ako. Lunch date?

“Baka marami kang gagawin mamaya” sagot ko habang nakaupo kami sa plantbox.

“Basta sa’yo wala. Pumayag ka na, parang ayaw mo naman ako kasama niyan eh” sabay pout niya tapos hinawakan niya nanaman yung kamay ko.

“Sige na nga. Ikaw kasi eh nagtatampo ka nanaman. Haha!” hinawakan ko na rin ung kamay niya.

“Ang sweet lover nandito lang pala.Bawal PDA dito.” Sabi ni Christelle habang palapit sa plantbox kung saan kami nakaupong dalawa ni Zed.

Kasama ni Christelle sina Kuya Amber at Kuya Kenneth. Remember siya yung kaibigan ni Zedrick.

“Christelle, Bakit kasama mo sila?” Tanong ko habang tinuturo sila kuya Amber at kuya Kenneth.

“Niyayaya ko makipagdate. Ayaw daw niya” sabi ni kuya amber habang paupo na rin silang tatlo sa tabi namin.

Si Kuya Amber at kuya kenneth katabi ni Zedrick  sa kabila tapos katabi ko naman si Christelle.

Di bale ganito pwesto namin.

Christelle – Ako – Zedrick – Kuya Amber – Kuya Kenneth

“Pare, saan lakad niyo mamaya?” Tanong ni kuya Amber kay Zed.

“Wala ka na doon. Sosolohin ko mamaya si Nicole eh.” Sabi niya habang humihigpit ung pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Oy, Kuya Zedrick, Wag kang gagawa ng masama kay best ah.” Si christelle.

“Wag ka mag-alala, Sisiguraduhin kong makakasal muna kami bago namin gawin yang iniisip mo.” – Zedrick

“hoy, Zedrick! Pare! Hahaha! Siguradong kayo na talaga ah. Hahahaha!” – kuya amber

“Pare, pabayaan na nga natin sila.Nakakaistorbo tayo oh.” Si kuya kenneth habang patayo na tapos sabay turo sa amin dalawa. Napapansin ko talagang ang daldal ni kuya amber samantalang si kuya Kenneth naman napakaseryoso at ang tahimik. Minsan lang siya magsalita.

“Christelle, mamaya sunduin kita ah” Pasigaw ni kuya amber habang papunta na sila sa classroom nila.

“Hay nako best, ayaw talaga ako tigilan ni kuya amber oh. Tsk Nakakaasar.” Reklamo naman ni christelle sa tabi ko.

Hay salamat tatlo na lang kami at pwede na ulit kami maging sweet ni Zed ko. Haha! May ko talaga? Syempre!

“Sumama ka na kasi best. Kukulitin ka lang nun.” Sabi ko.

“Nicole, isip ka naman ng tawagan natin. Dali.” Bigla naman singit nito ni Zed. Pinakaayaw niya talaga yung nadidivert yung attention ko sa iba. Gusto niya sa kanya lang. 

“Haha! Nicole, makaalis na nga dito bago pa ko langgamin at nakakaistorbo ako eh..” Aalis na si best.

“Sige na nga.  Tsupi na. Haha! Kita na lang tayo mamaya.” Sabi ko naman sa kanya.

Kung mapapansin niyo kung bakit magkasama kami ni Zedrick ngayon kahit na magkaiba kami ng Sched, eh kasi naman walang mga teacher ngayon. May urgent meeting daw sila kaya wala na rin klase. Sayang nga pamasahe pero okay lang kasi nakakasama ko naman yung gusto kong makasama. ^__^

“Uy, Nicole, isip ka na. Wala kasi akong maisip eh.” Sabi niya habang pinaglalaruan ung kamay ko. Alam niyo un? Yung hinihimas niya ung likod ng palad ko habang nakapatong sa kamay niya. Basta ganun.

“Hmm..?” Nag-isip naman ako habang ung daliri ko tinuturo turo ung isip ko.

“Alam ko na!” Sabi niya habang tumayo pa sabay luhod sa harapan ko.  Ano ba yan? Kailangan bang gawin pa yan? Nagtanong pa siya rin naman pala may naisip.

“Will you be my Honey and i will be your Bee forever?” Sabi niya habang nakalahad yung kamay para abutin ko at nakaluhod pa rin. Honeybee? Cute name! Haha!

“Si Nicole yun di ba? Ano ba yang pinakain niya kay Kuya Zedrick at habol ng habol sa kanya?” – schoolmate 1

“Ewan ko, nagmumukhang tanga lang si kuya zed oh" - schoolmate 2

“Gwapo talaga ni kuya Zed” – schoolmate 3

“ang cute ni Nicole no? Sayang bata pa eh” – schoolmate 4

Hala! Daming nakakakita sa ginagawa ni Zed.

“Uy, Zed.. tayo ka na dyan” Hinihila ko na siya para tumayo kaso parang walang balak ah.

“Okay lang magmukhang tanga sa harapan nila at sa’yo. Nagmamahal lang naman ako eh. Sasagutin mo ba yung tanong ko? O habang buhay akong luluhod dito?”  Paawa effect pa akala niya ba tatabla sa akin yan? Pwes! tumatabla talaga.

“Okay na nga.. Sige na nga.. My BEE!” sabay tayo niya at niyakap niya ako.

“Wag ka mag-alala hindi pa naman yun yung meaning ng boyfriend at girlfriend. Endearment pa lang natin yun Honey.” Nakayakap pa rin at binubulong sa tenga ko yun. Ang init ng hininga niya. Naramdaman ko.

Tinanggal niya na yung pagkakayakap niya sa akin tapos hinila ako papuntang canteen. Kakain daw kami kasi nagutom daw yung mga alaga niya sa tyan. Hawak niya na ulit yung kamay ko tapos parang hinihila ako. Ako naman itong nagpapahila eh kasi parang ang sweet! Hihihi!

“Zedr—ay este Bee naman. Nakakahiya kaya yung ginawa mo tapos dami tuloy nagbulong bulungan” Nakatingin ako sa baba nung sinabi ko yun. Kasi nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit eh ang tagal tagal na namin nagkasama.

“Honey naman, Kinahihiya mo na ba ako?” Bigla siyang huminto at iniaangat ung mukha ko para makita niya yung mata ko.

“Hindi ah. Ito naman. Bakit naman kita ikakahiya?” Sus! Nicole! Kinikilig ka hindi nahihiya. 

“Eh bakit sabi mo nakakahiya yung ginawa ko?” Hala, Ayoko mag-away kami dahil doon ah. Sabihin ko na nga..

“Di naman kasi talaga ako nahihiya eh. Ano kasi... Ahh... Hala kailangan ko bang sabihin?” Hala, di ko masabing kinikilig ako...Waaahhh!!

“Opo Honey ko., kailangan mo yun sabihin” nakatingin pa rin siya sa akin.

“Eh kasi.. Ano... Eeehhh... kin.. kini....kinikilig kasi ako... nung ginawa mo yun...” sabay tungo para di niya makitang nagbablush ako.. >///<

“Sus! Gusto mo pakikiligin pa kita habang buhay eh. Tara na nga” Sabay hatak niya sa kamay ko ulit para magpatuloy sa paglalakad.

Tinignan ko lang yung likod niya habang hinihila niya ako. Ang saya pala talaga ng feeling kapag gusto ka rin ng taong mahal mo no? Wala ka ng hihilingin pang iba.

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon