Chapter 4: First Mission

586 22 0
                                    

Hyacinth's POV


Nakipag-usap sa akin si Wallace kanina pagkagising at sinabi niya ang rason kung bakit siya nawala kagabi. Kahit kinuwento lang niya ang ginawa niya naiimagine ko pa rin yun. Ngayon na sa amin ibibigay ni Kuya Zephyr ang First Mission naming apat. Nag-uusap nga pala kaming dalawa ni Kuya. Nagbabantay pala si Lester minsan sa bahay, pero minsan nandito rin siya para sa Missions niya.


"Noong nawala ka, may nakuha sa tinutuluyan mo sa Korea na picture nating dalawa na natagpuan noong nawala ka. Dahil ba yun sa pagiging Agent? May ginawa ka bang mission noon?"tanong ko sa kanya.


"Oo, isang delikadong mission yun at na-ambush ako. Nagalusan lang ako at nagkataong may tumulong dugo sa mga gamit ko. Sinadya kong maglaho ng ilang buwan para isipin ng mga kalaban na patay na ako. Sa ilang buwan kong pagtatago, iginugol ko ang mga oras ko sa pagkuha ng mga footage na naganap bago kayo arestuhin. Nakuha ako ang mga iyon pati na rin ang footage ni Kenzie na nagpaplano sa mga set-up na gagawin sa inyo. Malakas na ebidensiya iyon kaya't nakalaya kayo nang maaga"mahabang kuwento niya.


"Salamat talaga Kuya"sabi ko.


May kumatok sa pintuan, sila na yata yun. Bumukas ang pintuan, sina Wallace, Harrence, Yeisha, Terrence, Lauren, Ate Heramiah at Levi ang dumating.


Madalas mag-away ng parang aso't pusa si Harrence at si Levi.


"Ibibigay ko na sa inyo ang unang mission niyong apat. Palagi niyong kasama sa lahat ng gagawing mission ang mga protector niyo. Upo ka dito sa tabi ko Heramiah, para mas masaya at komportable"nakangiti niyang sabi na kinindatan si Ate Heramiah.


"Okay"nagkibit-balikat lang siya at umupo sa tabi ni Kuya, samantalang nangisi lang si Harrence nang parang tanga.


"Madaling mission na muna yung ibibigay namin sa inyo. Bukas kailangan niyo na itong tapusin. First day niyo na sa Ashworth University sa Lunes"sabi ni Kuya Zephyr.


Sabado ngayon, at sa Lunes na agad yung pasukan. May inabot siya sa aming apat na tig-isang folder na naglalaman ng details tungkol sa First Mission namin.


Ang main goal namin sa mission ay ang makuha ang lahat ng envelopes na nakalagay sa drawer sa Office na pagmamay-ari ng isang kilalang Agent na galing sa Kurai Organization, si Kris Liu.


Ang office niya ay matatagpuan sa 6th floor, sa Shokaido Resort and Casino. Isa siya sa mga may-ari nun kaya lagi siyang nandoon. May dalawang ticket na nakalagay sa bawat folder na binigay sa amin. Isa para a amin at isa para sa protector namin. Pang-entrance ito doon at kailangang magsuot ng formal attire doon. Mahigpit ang seguridad doon, kaya't may iba't-ibang task na kailangang gawin ang bawat isa na kailangan naming pagplanuhan.


-Ang isa ay makikipaglaro sa Casino at makikipagsalamuha sa mga maglalaro doon na may mga matataas na posisyon sa iba't-ibang kumpanya.


-Ang isa ay mag-eentertain kay Kris Liu para magawa ang mission nang maayos at mabilis. Kakausapin ng kakausapin siya at dapat babae ang gagawa nito. Gustung-gusto niyang babae ang nag-eentertain sa kanya.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon