Chapter 48: Rotation

266 14 0
                                    

Harrence's POV


Mabuti at napindot ko kaagad ang Air bag ng kotse. Nang iangat ko ang aking ulo ay nakita kong may 3 taong kumukuha kay Terrence at ipinasok siya sa isang kotse.


He's motionless.


Puro dugo ang driver's seat at may bubog doon na may bahid pa ng dugo. Tinignan ko si Terrence at may malaking sugat siya sa noo. Hindi ganun katindi ang pinsala ng dahil sa air bag pero may nakalusot pa rin na bubog kaya nasugatan siya. Marami-raming dugo na ang nawala sa kanya.


"Shit!"sigaw ni Wallace at sumampa kaagad sa driver's seat upang mahabol namin ang mga kumuha kay Terrence.


May kaunting dugo siya sa ilong at nadaplisan lang ako ng bubog kanina.


Sira-sira na yung kotse sayang kay Terrence pa naman ito. Binilisan niya ang paghabol sa kotse kahit na mukha na itong kalunus-lunos. Sino ba namang hindi diba kung ang taong importante sa iyo ay nasa kapahamakan.


Tumunog ang cellphone ni Terrence na nasa sahig. Kinuha ko ito at binasa.


'Hindi kami ang makakapatay kay Terrence kundi kayong dalawa.'binabaligtad ba kami ng pesteng sender na ito?


Binasa ko ito nang malakas kay Wallace at napahampas siya sa manibela.


"Patience is the virtue dude, patience is the virtue,"paulit-ulit kong sambit upang hindi maubusan ng pasensiya.


May nakita akong katawan na nakahandusay sa dadaanan namin.


"Itigil mo yang kotse, may masasagasaan tayong katawan na nakahandusay!"tinapik ko ang braso niya.


"Wala akong pakialaman, mahabol lang natin ang mga kumuha sa kanya!"sigaw ni Wallace.


"BASTA SUNDIN MO AKO! MALAY MO SIYA YUN!"first time kong sumigaw nang ganito kalakas.


Itinigil niya ang kotse at bumaba kaagad kami. Hindi nga ako nagkamali at si Terrence iyon. Naintindihan ko na ang sinabi ng sender.


'SORRY KA HINDI KAMI TANGA! FVCK YOU 1 BILLION TIMES!'nagawa ko pang magreply sa sender.


Ipinasok namin kaagad si Terrence at pinatigil ni Wallace ang pagdudugo ng ulo niya habang ako naman ang nagmamaneho.


'Talaga? Hindi pa iyan ang gusto kong ipatikim sa inyo. Paalam muna.'ito na ang huling reply ng sender.


Matatrack din kita.


Nang makabalik sa Headquarters ay ipinagamot kaagad namin si Terrence.

~~~~~~~~

Pumasok kami sa eskwelahan nang wala si Terrence. Kakagising lang niya kaninang umaga at kailangan pa niyang magpagaling.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon