Chapter 38: Face to Face

295 15 2
                                    

Hyacinth's POV


Nagkatinginan kami ni Kenzie.


"Gusto mo bang tawagan natin ang pinakamamahal mong pinsan para masabi mo ang last words mo?"he smirked.


Dinukot niya ang cellphone sa bag ko at hindi ko ito mabawi dahil sa nakatutok na baril sa noo ko. Na-hack niya kaagad ang password at dinial ang number ni Kuya Zephyr.


Ginamit ko and kaliwang kamay ko para paliparin ang cellphone mula sa kamay niya. Hinawakan ko naman gamit ang kanang kamay ko ang baril na itinutok niya at inilayo ito sa noo ko. Pagkalipad ng cellphone ko pataas ay sinalo ko ito gamit ang kanang kamay ko.


Pinindot niya ng pinindot ang trigger ng bala pero tumatama ang lahat sa pader. Idinivert ko ang direksiyon ng baril sa braso ni Keaton.


Nang tumama ang isang bala sa braso ni Keaton ay doon na nag-umpisa si Wallace na atakihin si Keaton. Natumba ako nang biglang hatakin ni Kenzie ang dress ko. 


Pinutol ko ang dress hanggang sa tuhod gamit ang kutsilyo. Nang bitawan niya ang kaputol ng dress ay pinulot ko ito at pumwesto ako sa likod niya para ipulupot sa leeg ang tela. Nabitawan niya ang baril at sinalo ko ito gamit ang paa ko. Sinipa ko ito pataas at sinalo ko gamit ang kaliwang kamay ko sabay tutok nito sa ulo ni Kenzie. 


"Ibaon niyo yan sa leeg ni Jimin o papatayin ko itong taong ito?!" hinigpitan ko ang pagkakatali ng tela sa leeg niya.


Sarap niyang ibitin patiwarik. Tinignan niya ako nang masama pero ningisian ko lang siya.


"Mamamatay kayong lahat!" sigaw ni Keaton at biglang sumabog sa harapan namin.


Napatalsik kaming lahat at ramdam ko ang impact ng pagsabog sa katawan ko. Nabitawan ko si Kenzie at nasusunog ang buong lugar. Ang sakit ng katawan ko at pagkatayo ko ay biglang may humawak sa kaliwang paa ko. Si Kenzie ito at ibinaon ko ang takong ng heels ng kanang paa sa kamay niya para mabitawan niya ako.


Pagkatapos ay inupuan ko siya sa tiyan at hinawakan ko siya nang mahigpit sa ulo at naisipan kong ipadausdos ang kutsilyo sa leeg niyang may tahi para bumuka ito. Napasigaw siya nang bumuka ang tahi at dumaloy ang dugo sa leeg niya.


Naglakad na ako palayo at hinahanap ko sina Wallace.


May nakita akong silhouette ng dalawang tao na nagpapalitan ng atake. Nahagip ng mata ko na sina Wallace at Keaton ito.


"Hanapin mo na sina Jimin, wag mo akong alalahanin" sabi ni Wallace at sinunod ko siya.


May tiwala ako sa kanya.


Namataan ko naman na napapalibutan ng apoy sina Yoongi habang nakikipaglaban kay Brittany. Ang daming katawan dito na wala nang buhay at si Brittany na lang ang natitira nilang kalaban.


Nang masipa ni Jin si Brittany sa leeg ay nawalan na ng malay si Brittany. Hinubad nila ang mga suit nila para patayin ang apoy na nakapalibot sa kanila. Pinagpag nila ang suit sa sahig at hindi nila kasama si Jimin.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon