Chapter 24: Dauntless

356 20 6
                                    

Wallace's POV


"Nasaan ang huli nilang location bago mawala ang signal nila?"tanong ni Kuya Zephyr.


"Malapit sa Han River sa China"sagot ni Lauren.


"Pupunta kami doon dito lang kayo. Wallace, sumama ka sa akin at ako muna ang magiging protector mo sa ngayon"seryosong sabi ni Kuya Zephyr at sumunod ako sa kanya.


Sumakay kami sa Jet na siya mismo ang nagmamaneho para makarating kaagad kami sa China. Doon sana gagawin nila Harrence at Yeisha ang latest mission nila at pagkarating namin, bumungad sa amin ang nasusunog na eroplano.Pumasok kaagad kami sa loob para hanapin sina Harrence, Levi, Yeisha at Ate Heramiah.Una naming nakita ang cellphone nilang apat na magkakasama.



"Bago pa lumaki ang sunog dito, kailangang mahanap na natin sila at ang black box ng eroplano"sabi ni Kuya Zephyr at magkahiwalay kami sa paghahanap sa loob.


Pinuntahan ko ang parte ng eroplano kung saan nakalagay ang black box. Mabuti at natagpuan ko kaagad ito. Naglibot pa ako sa buong parte na hindi pa napupuntahan ni Kuya Zephyr pero hindi ko pa rin sila nakikita.Namataan ko si Kuya Zephyr na inaalalayan si Levi na may galos at walang malay.


"Siya lang ang naiwan dito at dinukot yung tatlo"sabi ni Kuya Zephyr habang tinutulungan ko siya.


Pumasok kami sa Jet at kinabitan ko ng Oxygen Mask si Levi, halatang marami siyang nainhale na usok. Nilapatan ko kaagad ng paunang lunas ang mga galos niya sa katawan.


"Tignan mo itong note na iniwan nila"may papel na inabot sa akin si Kuya Zephyr at tinitignan na niya ang nilalaman ng black box.


'Ang saya kasi kinuha na nga niBlack Jack si Terrence sa inyo, kinuha ko pa sa inyo sina Harrence, Yeisha, at Heramiah. Hanapin niyo kami bago pa mahuli ang lahat. Pasalamat pa kayo at iniwan namin diyan si Levi. Ilabas niyo si L at V kung ayaw niyong mapatay sila. O di kaya si Wallace Vaughn Matteson na lang ang ibigay niyo sa amin' ~Kurai Organization.


Ang taong dumukot sa kanila ay siguradong kakilala nila Harrence at Yeisha. Naiinis ako sa mga taong ito, mga hindi patas makipaglaro. Hindi nila ako matatakot sa mga ganito, ikinuyom ko ang kamao ko sa papel na hawak ko at nanininig ang kamao ko nang dahil sa galit. You're testing my patience, at mahahanap ko rin kayo.Narinig ko ang pag-ubo ni Levi at nilapitan namin siya ni Kuya Zephyr.


"Nacheck ko na ang black box ng eroplano at alam ko na kung ano ang nangyari. May missile na inihagis ang Kurai Organization nang matanaw nila ang eroplano niyo at sinadya nilang dukutin sina Harrence, Yeisha at Heramiah. Hahanapin natin sila at wag kayong mag-alala"sabi ni Kuya Zephyr at nagising na si Levi.


"Sorry po Kuya Zephyr kung hindi ko naprotektahan si Harrence, pati na rin sila Yeisha at Ate Heramiah"mahinang sabi ni Levi na halatang sinisisi ang sarili niya.


I feel the same way too, ginagamit nila ang mga taong malapit sa akin para sa mga plano nila against me.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon