A.N of PV: Pasukan na sa Lunes, hindi pa ako handa!! Isang beses na lang sa isang linggo yung pag-update ko simula sa pasukan, sad.
Hyacinth's POV
Si Black Jack at si Kenzie Ashworth ay iisa. Kung ganun, si Kris ay si Keaton. Yung isang leader na lang yun hindi namin nakikilala, si Kerudo Kemono.Lumabas na ako at pumasok na ako sa kotse ko kung saan nilalapatan ni Lauren ng paunang lunas ang mga galos ni Terrence.
"Si Black Jack at si Kenzie ay iisa, si Kris naman ay si Keaton"sabi ko habang pinaandar ang kotse.
"Oo, anong nangyari sa kamay mo?"tanong ni Terrence sa akin. Kahit na hinang-hina siya ay pilit niyang inabot ang kamay kong nakahawak sa manibela na nagdudugo.
"Simpleng sugat lang ito, dapat mong alalahanin ang sarili mo Terrence. Nasugatan ito sa kutsilyo ni Kenzie habang naglalaban kami. Pinatulog ko siya bago ako umalis"sabi ko sa kanya at binilisan ko ang pagmamaneho.
"Salamat sa inyo Hya at Sexy Hot Chilli Pie ko"mahina niyang sabi at nakita ko sa salamin na hinalikan siya ni Lauren sa noo.
"Matulog ka na, kailangan mo yan"sabi ni Lauren sa kanya at ipinikit niya ang mga mata niya.
~~~~~~~~
Pagkabalik namin ay inasikaso ng mga pinatawag na Doktor si Terrence at sinalubong naman ako ni Wallace.
"Anong nangyari sa kamay mo at sa pisngi mo?"halatang nag-aalala siya.
"Nasapak ako ng mga tauhan nila at nahiwa ng kutsilyo na itataga na sana sa akin ni Black Jack o ni Kenzie"sagot ko at dinala niya ako sa room niya.
"Makakatikim din yan sa akin, mas lumala pa ang taong iyon. Salamat sa pagligtas niyo kay Terrence"sabi niya at naglabas ng First Aid Kit.
Hinawakan niya ang braso ko para itapat sa gripo ang sugat. Tapos nilagyan niya ito ng Betadine at ng bandage. Yung pisngi ko naman ay dinampian niya ng ice pack at ng ointment.
"Salamat dito"ningitian ko siya.
"No problem, kailangan mo nang magpahiga. Ihahatid na kita sa silid mo"naglakad na kami papunta sa silid ko.
Harrence's POV
Dalawang araw na kami dito at masaya ako kahit papaano na walang natamong malalang pinsala sina Ate at Yeisha.Inilipat kami ngayon sa Torture Room ng Headquarter na ito. Napakaraming machine dito sa loob na pang-torture at aaminin ko na kinakabahan ako sa mangyayari para kay Yeisha at kay Ate.
Nang magising ako ay nandito na ako sa loob ng Glass Coffin at nasa harap ng Needle Pit sina ate at Yeisha. May isang butas na malaki pero ang mga nasa ibaba ay ang mga syringes na walang laman.
"Maglalaro kayo ngayong tatlo. Yeisha at Heramiah, kailangan niyon hanapin diyan sa Needle Pit na yan ang susi para makalabas si Harrence sa Glass Coffin sa loob ng 60 segundo. Kapag hindi niyo ito nagawa, mapupuno ng tubig sa loob ng Glass Coffin at mamamatay si Harrence"sabi ng lalaking nakamaskara na dumukot sa amin.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...