Hyacinth's POV
Sa huli, napagpasiyahan ko siyang sundan sa pupuntahan niya. Nawalan ako ng lakas ng loob na tanungin siya kung saan siya pupunta. Pumasok siya sa Building kung saan ikinukulong ang mga nahuhuli namin at nang makaraming kami sa room kung saan nakakulong si Clifford ay bigla niya itong sinugod pagkapasok niya.
"Patay na ba si Wycliffe kaya ganyan ang reaksiyon mo?"nakangising tanong ni Clifford kahit na sinasakal na siya ni Wallace.
Napasigaw si Clifford nang ibaon ni Wallace ang mga kuko niya sa leeg ni Clifford.
"Tama na,"napalunok ako bago magsalita.
"Hindi pa pala ito ang oras mo dahil gagamitin pa kita laban kay Keaton"sabi niya at binitawan niya si Clifford.
Umalis na siya at sinundan ko siya.
"Sorry talaga, kasalanan ko kung bakit ito nangyari,"mabilis kong sabi bago pa magcrack ang boses ko.
Tumigil siya sa paglalakad at nakayuko lang siya. Pumwesto ako sa harapan niya at tinignan ko siya.
"....."parang may gusto siyang sabihin pero hindi siya makapagsalita.
Mas lalo akong nalungkot dahil nakikita kong umiiyak siya. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay niya, na dulot ng pinaghalong galit at kalungkutan. Patay na nga ang mga magulang niya, pati din si Wycliffe. Natatakot ako sa magiging impact nito sa kanya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at niyakap ko siya.
"Sorry talaga, dapat ako na lang ang nabagok sa batuhan imbes na si Wycliffe, para hindi ka mawalan ng kapatid,"sabi ko sa pagitan ng paghikbi ko.
"Wag mo yang sabihin, kapag nangyari yan susunod ako sayo. Hindi pwedeng mamatay ang kapatid ko,"mahina niyang sagot at napahikbi din siya.
"Ahem, ehem, itigil niyo na yang iyakan niyong dalawa. It's party time dahil buhay si Wycliffe! Tara budots tayo sa Condo ni Jimin pandak!"sigaw ni Terrence.
Napabitaw kami ni Wallace mula sa pagyayakapan.
"Talaga? Hindi ka ba nagbibiro?"pagtatanong ko sa kanya.
"Oo naman, mukha ba akong nagbibiro? Hindi sa lahat ng oras nagbibiro ako ah!"nakangiting sabi ni Terrence.
Napatakbo si Wallace palayo sa amin, papunta sa kinaroroonang room ni Wycliffe.
"Yan, diyan ka magaling Vaughnie Totoy Bente Kwatro matapos kang kausapin at hatiran ng magandang balita ay bigla na lang mang-iiwan. Geh lang di bale na, makikibudots na lang ako. Bye Hya, habulin mo na siya!"nakasimangot na sabi ni Terrence pero biglang dumating si Lauren at piningot siya.
"Salamat, iwan ko na kayo ah,"tumakbo na rin ako para sundan si Wallace.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...