Hyacinth's POV
"Pwede na kayong pumunta sa kahit saang parte ng bahay natin. Ito ang Main Headquarter natin, magpalipas kayo ng oras para magmuni-muni, alam naming nagulat kayo sa mga pangyayari ngayon"sabi ni Kuya Zephyr sa amin.
Gustong lumabas nina Harrence at Yeisha, siguro kami rin.
"Vaughn, maaari ka ba naming makausap ngayon? Yung ikaw lang?"tanong ni Terrence.
Something private ata pag-uusapan nila kaya't sinenyasan ko na siyang lalabas na kami.
Terrence's POV
Halata sa kanilang lahat na nagulat sila, pero nababasa ko sa ekspresiyon ni Wallace na hindi na siya masyadong nagulat.
"Ano yun?"tanong niya sa akin na halatang interesado sa pag-uusapan namin.
"Five years ago, nakuha na naming ang mga Minor Information tungkol sa limang taong pumatay si tita, ang mama mo. Lima talaga sila, nanonood lang ang isa sa kanila sa isang tabi na hindi mo lang napansin. Ikukwento ko sayo ang lahat tungkol sa pagkamatay ng mama mo. Hindi masyadong malalakas ang limang taong nakita mo noong gabing iyon pero napatay nila agad ang mama mo, dahil iyun sa isang Rare Chemical na gawa ng Organisasyong kinabibilangan ng mga killer. Lumabas sa autopsy na ang isa sa mga ikinamatay niya ang kemikal na itinurok sa kanya na nakakapanghina sa lahat ng organs. Naiturok siguro ito sa kanya nang hindi niya namamalayan. Siguradong may mastermind na nang-utos lang sa lima para patayin siya. Pupunta sana ang mama ni Wycliffe para iligtas kayo, pero naaksidente siya habang nagmamaneho na siguradong kagagawan ng Organisasyong kinabibilangan ng mga killer para hindi siya makahadlang sa plano nila. Gusto mo bang kami ang pumatay sa kanilang lima o ikaw?"mahabang kuwento ko.
Tandang-tanda ko pa noon na matapos kaming maset-up sa isang labanan, muli kong nakita si Tita sa Morgue at si Vaughn na nakaconfine sa Ospital. Pinanood din naming ang footage mula sa CCTV camera na nasa kwarto ng mama niya. Hindi iyon napansin ng mga killer kaya't nakunan ang lahat ng ginawa nila.
"I want to do it by myself. Finally, makakaganti na rin ako. Ibig-sabihin alam niyo ang buong pangyayari ukol dito, pero wala kayong nagawa, bakit?"may bahid ng hinanakit ang pagtanong niya.
"Pasensiya na, noong maganap iyon ay sinet-up niya kaming lahat sa isang labanan para hindi namin kayo mailigtas. Sorry, kasalanan namin iyon"buong sinseridad kong sabi.
Alam kong masama ang paghihiganti, pero ganito talaga sa mundo namin, kung ayaw mong mapatay, kailangan mo ring pumatay. Minsan hindi ko maiwasang maisip na wala akong kwentang tao, at ito an gang tanging magagawa para sa pinsan ko, ang protektahan siya. Si Wycliffe dapat ang protector niya, pero sinabi kong ako na lang.
"May aaminin pala ako sayo Kuya, ngayon naman ang araw ng aminan eh kaya hindi na ako magpapadalos-dalos. Kami na ni Ashleigh, gusto namin ang isa't-isa at sana matanggap mo ako. Bisexual kami Kuya"pag-amin ni Wycliffe na katabi si Ash.
"It's okay, congrats sa inyo at wag kayong mag-alala dahil tanggap ko kayo"he patted them. Open-minded siya ngayon at halatang nauunawaan niya kami.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Ficțiune adolescențiKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...