Chapter 37: Lights Off

301 18 0
                                    

Hyacinth's POV


Sina Therese at Brittany ang nag-uusap, at ang ibig-sabihin ay si Therese ang taong sumugod sa bahay at ang babaeng nagupitan ng buhok gamit ang gunting ni Jimin.


"I see, ikaw ang may kagagawan," pagsasalita ko habang nasa lugar kami na walang CCTV camera.


"Eavesdropping eh, sa susunod sisiguraduhin Kong patay na ang kapatid mo, kasama si  Park Jimin na gumupit sa buhok ko,"sagot niya sa akin.


Dinamay pa niya talaga si Jimin.


"Sisiguraduhin ko ding hindi mo iyon magagawa sa kapatid ko at kay Jimin. Hindi ko susunugin ang bahay mo, ikaw mismo ang susunugin ko,"nagkatitigan kami.


"Two is better than one remember. Pwede ka na naming patayin ngayon sa lugar na ito, na sa teritoryo ka pa namin," sabi naman ni Brittany.


"Then go ahead, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang phrase na yan,"sagot ko at biglang bumukas ang pintuan.


Sina Lauren at Yeisha ang nagbukas ng pintuan.


"See you next time bitches!"sabi ni Brittany at umalis na sila ni Therese.


Bago pa magtanong sina Yeisha at Lauren ay sinabi ko na sa kanila ang nangyari.


Nang bumalik kami sa sunod kong klase ay sumakit bigla ang puson ko. Kainis naman itong dysmenorrhea na to.


"What is your opinion about personal effectiveness Miss Castaneda?"tinawag ako ng prof ko.


Nang sumagot ako ay hindi ako makatayo ng tuwid nang dahil sa matinding sakit ng puson ko. Tinanong ako ng prof ko kung ano ang problema ko kung bakit hindi ako makatayo nang tuwid. Gusto niya sana akong papuntahin sa Clinic pero ayoko.


Habang tumatagal ay lalong sumasakit ang puson ko.


"Namumutla ka na Hyacinth, dalhin na kita sa Infirmary gusto mo?"bulong sa akin ng katabi ko na si Lorence.


"Salamat sa concern Lorence, wag na"ayokong may mamiss sa klase kaya titiisin ko na lang, malapit naman nang magtime.


Nakaramdam ako ng hilo pero yumuko lang ako.


"Someone from this class, can you bring Miss Hyacinth to the Infirmary? Sobrang namumutla ka na Miss, maeexcuse ka naman sa klase" sabi ng prof namin.


"Ako po Ma'am"nagtaas ng kamay ang katabi ko na si Lorence at nilapitan niya ako.


" Salamat po Ma'am, Salamat Lorence"sagot ko.


Inalalayan niya ako sa pagtayo at pinakapit niya ako sa braso niya. Ipinulupot niya ang braso niya sa balikat ko at isinandal niya ako sa balikat niya habang naglalakad kami.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon