Chapter 11: Bullying

344 18 6
                                    

Hyacinth's POV


Pagkapasok ko sa eskwelahan, nadatnan ko si Keaton na naghihintay.


"Sa nangyari kahapon, sorry"maikli niyang wika.


"Okay lang, kalimutan mo na iyon"sagot ko.Tinignan niya ang binti ko na may bandage.


Nagkapasa na iyan kahapon pero dahil sa pinainom sa akin, hindi na ito masakit.May ibinigay siya sa aking paper bag na naglalaman ng mga tsokolate.


"See you later"sabi niya at umalis na hinatid pa ako sa tapat ng Classroom ko.


"Andiyan na siya, masaya to hahaha"naririnig kong bulungan ng mga kaklase ko sa First Subject.


Napansin ko ang nakausling mga pambura sa blackboard na nakalagay sa ibabaw ng pintuan. Kapag binuksan ko ito, mahuhulog ito sa akin.


Tama nga ang hinala namin ni Wallace. Bullying. Pero hindi nila ako kilala, hindi uubra ang ganitong bagay sa akin. Mga High School students pa ba sila o mga bata? Para hindi ako mahulugan ng pambura, binuksan ko ang pintuan na hindi pa humahakbang papasok. Bakas ang dissapointment sa mukha nila nang makitang bumagsak sa sahig ang mga pambura. Sa upuan ko naman, alam kong may nakalagay na tatlong patay na ipis sa upuan ko. Sabay-sabay kong hinawakan ang tatlong ipis at itinapon ito sa basurahan. Nagspray ako ng alcohol sa kamay ko at pinakiramdaman ang paligid. Hindi makaimik ang iba kong kaklase.


Sa tanghali naman, hindi ko kasabay na mananghalian ang mga kaibigan ko dahil nalipat ang oras ng lunch break ko ngayong araw. Kaya ako lang mag-isa ang kumakain ng lunch.Nang tumayo ako para itapon ang basura, nakita ko sa peripheral vision ko na may naghagis sa gawi ko. Sinadya kong ihulog ang panyo ko at yumuko ako para kunin ito. Tumama sa isang lalaki ang mainit na lugaw na sa akin sana ihahagis. Si Tiffany ang naghagis, at ang natamaan ay ang kaklase ni Yeisha na si Dylan.


"Executing your stupid plans eh? You're being childish Tiffany!"sigaw ni Dylan habang inihubad ang polo niya.


"Dapat siya ang matatamaan! Nakakabwisit kayo!"galit na sigaw ni Tiffany.


Magkakilala silang dalawa, hindi na nakapagtataka. Pareho silang member ng Kurai Organization eh.Umalis na si Dylan at nakatingin sa akin si Tiffany. Tinignan ko rin siya.


"Ayos din yang pagiging higad mo eh no? Pati kapatid ni Kenzie na si Keaton nilalandi mo na rin"sabi niya.


"Talaga? Baka ikaw ang malandi! Kung makapagsalita ka parang alam mo na ang lahat. Nakipagplastikan ka pa sa akin noon para magawa mo ang mga plano niyo"sagot ko.


"Tignan natin kung ano ang pakiramdam ng maligo sa itlog"may hawak siyang itlog pati na rin ang mga kasama niya sa Canteen.


Wow, pinapasabik niyo talaga ang araw ko. Siya ang unang naghagis ng itlog na sinalo ko. Kumunot ang noo ng lahat sa akin.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon