Chapter 59: Blood Eagle, One Last Kiss?

371 13 1
                                    

A.N of PV: Epilogue na po yung next update nito.


Hyacinth's POV


Agad kong hinila ang buhok niya at hiniwa ko ang anit niya sa bandang noo, dahilan para dumaloy ang dugo sa mukha niya.


Gigil na gigil akong patayin siya ngayon.


"Hindi, hinding-hindi niyo masisira ang pinaka-unang test subject ko! Hindi niyo mapapatay ang Kuya ko!"pagwawala ni Kenzie na hawak ngayon ni Harrence.


Pinugutan ni Terrence ng ulo si Keaton, at nagalaw pa rin ang ibang parte ng katawan niya, kaya't pinaghihiwa ito nina Levi at Yeisha hanggang sa dumaloy na ang napakaraming dugo. Tumigil na sa paggalaw ang katawan ni Keaton, at patay na ulit siya.


"Quits lang kayo ni Hya!"binatukan pa ni Harrence si Kenzie.


Nabulabog kami nang biglang tumunog ang buong laboratory, at pumasok dito ang mama ni Kenzie na may pinindot sa gilid.


"Pagbabayaran niyo ang pagpatay niyo sa mga kasapi sa Organisasyon namin,"nanggagalaiting wika ng mangkukulam at may inilabas na shot gun at palakol. 


May mga lumabas na syringes sa gilid ng lab na may mga lamang serum na iba't-ibang kulay. 


"Wag niyong hayaang maturukan kayo ng kahit anong kemikal na yan,"sabi ni Yeisha.


Itinutok niya sa akin ang shot gun niya at ipinuwesto ko kaagad sa harap ko si Therese. Bigla naman niya itong itinutok kay Wallace at agad niya itong pinaputukan. Mabuti na lang at napayuko ni mama si Wallace.


"Ako na ang bahala sa mangkukulam na ito,"tumayo si mama at ngumisi nang malapad.


Mag-ina talaga kami, pareho kami ng iniisip tungkol sa nanay ni Kenzie.


Itinuon na ni mama ang atensiyon niya sa mama ni Kenzie, habang nakipagtitigan ako kay Therese.


"May 30 minuto tayo para tapusin sina Therese, Kenzie at ang nanay nito bago pa may mangyaring kakaiba dito sa Laboratory na ito. Lulubog ito kapag tumigil na ang heart beat ni Wallace at may tiyansiyang hindi na siya magtagal nito ng dahil sa Annihilation Serum na naiturok sa kanya,"mahabang litanya ni Levi.


"Hya, gusto mo bang makipagpalit ng kalaban? Ikaw na tumapos kay Kenzie, at kami na ang bahalang pumatay diyan sa babaeng yan,"alok ni Yeisha.


"Sige ba, maganda yang naisip mo,"nagpalit kami ng posisyon at kaharap ko ngayon si Kenzie.


Nabulabog kami nang makarinig kami ng malakas na tunog na galing sa shot gun na hawak ng mama ni Kenzie. Kung saan-saan niya ito ipinaputok na tila nawawala na siya sa sarili, siguradong madali siyang matatalo sa estado ng isip niya ngayon. Mabilis na naagaw ni mama ang palakol sa kanya na ginamit ni mama para itarak sa kamay niyang may hawak na shot gun. 

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon