Chapter 5: First Day

451 23 2
                                    

Terrence's POV

"Vaughn, magtago ka may paakyat na tao na diyan para pumunta sa Office ni Liu. Hya wag kang lalabas at magtago ka diyan. May taong papunta na diyan sa Office niya"mabilis kong sabi sa earpiece.


Pwede na ba akong maging rapper? Hahahahahaha :D


"Nasa elevator na yung taong pupunta diyan"dagdag ko.


Pumasok na ang lalaki sa Office ni Liu at maya-maya'y lumabas na ito. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa bumaba siya.


"Wala na yun taong pumunta diyan nasa baba na. Mabuti at hindi ka niya nakita Hya"sabi ko.


"Nakita ko na yung itim na envelope. Pwede na ba akong lumabas Wallace?"tanong ni Hya.


"Oo, wala nang nadaan na tao dito"sagot niya at lumabas na si Hya.Nilagay nila ang envelope sa bag na dinala ni Wallace at umalis na sila doon.


"Pwede na kayong umalis dito, magkita na lang tayo mamaya sa Abandonadong Warehouse"sabi ko habang dinedelete ang lahat ng footage nina Hya at Vaughn sa CCTV camera.


Hindi madali kina Harrence at Yeisha ang umalis dito. Kinukulit ni Liu si Yeisha na sumama sa Room ni Liu at hindi pa tapos ang laro ni Harrence na ilang beses nang niyaya ng mga kasama niya sa laro na uminom.


"Ang mananalo sa last round na ito, ay may mapapanalunan na isang sikreto. Ganito ang ritwal namin sa laro bata"sabi ng isang babae na katapat ni Harrence.


"Sige ba, sigurado akong ako ang mananalo. Naeexcite ako sa premyo"sagot ni Harrence.


Medyo kinukutuban ako ng hindi maganda sa sinabi ng babae. Naglaro na ulit sila at halatang desididong manalo si Harrence.


Si Yeisha ay nakalabas na, dahil tinawagan siya ni Heramiah at nagkunwaring may Emergency  kaya't umalis na sila. Halata sa tingin ni Liu na nagugustuhan niya si Yeisha.


Si Harrence na lang ang natitira, na nanalo sa last round ng Casino.


"Napakagaling mo talaga, at dahil ikaw ang nanalo, kailangang inumin moang lahat ng ito"masayang sabi ng babae at sinenyasan ang isang Waiter.


Pumasok ito na may bitbit na isang tray ng alak. Sabi na nga ba hindi ito maganda. Saktong dumating din ng inorder ng lalaki sa kanan niya at sinama doon sa mga iinumin niya ang isang baso ng wine na may pampatulog.


"Wala kang ibang choice kundi ang inumin ang lahat ng iyan. Ako ang bahala sayo"sabi ni Levi at umalis siya dito.


Mukhang alam ko na ang gagawin niya.


"Ang saya nito ah, gustung-gusto ko nito"masayang sabi ni Harrence habang umiinom.


Tuwang-tuwa naman ang mga kalaro niya na nakangisi. Halatang may mga masamang planong gagawin. Pinakahuli niyang ininom ang wine na binigay ng lalaki sa kanan niya. Namumula na ang buong mukha niya. Matatapang ang lahat ng wine na pinainom sa kanya.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon