Hyacinth's POV
Nagising ako at bumungad sa akin ang puting pader pati na rin ang amoy ng Ospital.
"Nagising ka na din, alam mo ba kung sino ang gumawa nito sayo?"nag-aalalang tanong ni Keaton.
May kinalaman kaya siya dito o wala? Hindi ko masabi.
"Hindi ko alam"sagot ko.
"Paparusahan ko ang lahat ng mga bilanggo para mapaamin ko ang may sala. Wag ka nang mag-alala"bumukas ang pintuan at pumasok si Wallace.
"Iuuwi ko na siya at umalis ka na dito"malamig na sabi ni Wallace.
Tumayo na si Keaton at umalis na siya. Pagkatayo ko ay ikinabigla ko ang napakahigpit na hawak ni Wallace sa braso ko. Habang naglalakad kami palabas ng Ospital, nararamdaman kong hindi maganda ang aura niya. Galit ba siya sa akin?
Pagkapasok ko sa kotse niya, padabog niyang sinara ang pintuan at nang umupo siya sa tabi ko ay masamang tingin ang ibinigay niya sa akin. Dahil ba ito sa amin ni Keaton kaya galit siya?
"Gusto kong magsabi ka ng totoo. Seryoso ka ba sa tinext mo?"may pinakita siya sa aking message na galing sa akin.
'Let's break up, hindi ko kayang mamuhay ng maayos kapag may boyfriend ako. Tao lang ako napapagod at isipin mo na lang na walang nangyari sa ating dalawa'teka hindi naman ako nagtext sa kanya ah.
"Hindi ako nagtext sayo at hindi ako magmemessage ng ganyan sayo"sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka? Kung ganun saan nanggaling ang message na ito, sa multo? Sa alien na kapangalan mo?!"napapikit ako ng sigawan niya ako.
"Pero hindi nga ako nagtext sayo, noong mga oras na iyan nasa loob ako ng Compound, sa banyo ng Abandonadng Bahay. Hindi ko nga hinawakan yung cellphone ko eh"sagot ko habang may nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtataka ako kung bakit naka-off ito.
"Hindi ko naman to pinatay kanina"bulong ko habang in-on ko.
"Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko dahil pinatay mo ang cellphone mo. Wag ka nang magsinungaling na wala kang alam!"nag-igting ang bagang niya.
Nanlalabo na ang paningin ko ng dahil sa mga luha. Hindi siya naniniwala sa akin at sinabihan pa niya akong sinungaling. Tinignan ko kaagad ang messages ko pero nagtaka ako dahil walang convos. May gumalaw ba nito o hindi? Binuksan ko ang casing ng cellphone at nagtaka akong walang tracker na nakalagay dito. May kinalaman ba dito ang taong tumusok sa akin ng pampatulog kanina?
"Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi ko nga malaman kung anong nangyari sa cellphone ko. Walang laman yung inbox tapos wala na yung tracker"sagot ko at iniwagayway ko ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...