Chapter 15.1 : Untitled

352 17 8
                                    

Hyacinth's POV

"Ang dami mong tanong pero sasagutin ko lahat. 2 AM na ako dumating at ayaw kitang gisingin. Nandoon si Therese at magkaparehas kami ng Mission kaya naglaban kami. Nahiwa ng dagger niya ang braso ko at may lason ito pero naalis na pero may side-effect. Natalo ko siya at nabaril ko siya sa balikat. Hindi nga ako natulog kasi gusto kong magreview sa Finals mamaya para hindi ako bumagsak"sagot ko.


"Mukhang alam ko na yung tinutukoy mong side-effect"nilapitan niya ako at hinawakan niya ang noo ko.


"Iinuman ko yan ng gamot, maligo ka muna habang magluluto ako ng almusal pa-"


"Ako na ang magluluto ng almusal at ng babaunin nating lunch. Magpahinga ka na at may lagnat ka"paguputol niya sa akin.


"May 2 subject pa akong hindi narereview"sagot ko.


"May mamaya pa maligo ka na lang o magpahinga"sabi niya.


Naligo na lang ako ng parang kidlat at saktong 5:30 AM tapos na akong magbihis kaya ipinagpatuloy ko ang pagrereview kahit na sumasakit ang ulo ko. Weakest subject ko pa naman ang College Algebra at ito na lang ang subject na hindi ko pa narereview. Maya-maya, tinawag na ako ni Wallace para kumain ng almusal. Wala akong gana kumain pero pinilit ko ang sarili ko na kumain.


"Wag ka na lang kayang pumasok. May mangyari pa sayong hindi maganda sa school"sabi ni Wallace.


"Papasok ako, mag-iingat naman ako eh"sagot ko at binilisan ang pagkain para magmukhang masigla sa harap niya.


Pagkatapos kumain ay hinintay ko siya sa loob ng kotse niya kasi maliligo pa siya. 6AM na pala

..........

"Hya nandito na tayo sa school"nagising ako nang may tumapik sa pisngi ko.


Tumingin ako sa bintana ng kotse at nasa Parking Lot na pala kami ng Ashworth University. Nakatulog pala ako kanina, tapos umuulan na ngayon kaya pala napakalamig.


"Sorry"sagot ko at nang maglakad kami, bahagyang umikot ang paningin ko pero nawala naman.


"Okay lang"sabi niya at hinatid niya ako sa room ko.


"See you later, mag-iingat ka at magtext ka lang kung gusto mong iuwi kita. Kailangan mo itong suotin"sabi ni Wallace at sinuotan ako ng black jacket na pagmamay-ari niya. Nagpasalamat ako sa kanya, hindi na ako masyadong nilalamig.


Halata namang binabantayan talaga ako ni Lauren. Pagkapasok ko sa room, pinagtitinginan ako ng lahat. Ngayon lang ba sila nakakita ng Zombie? Nakita konamang pumasok si Keaton.


"May sakit ka, dahil ba yan sa pagpupuyat para sa Finals ngayon? Ang init mo"hinawakan niya ang noo ko.Tinatamad akong magsalita at tumango lang ako.


"Kailangan mong sumama sa akin habang wala pa ang Prof mo"hinawakan niya ang kanang kamay ko ay hinatak ako.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon