Chapter 10: Kidnapped

407 22 10
                                    


Hyacinth's POV


Nang ihatid ako ni Keaton sa bahay namin dati, nagulat ako nang makita si Wallace doon na nag-aabang. Naglakad ako palapit sa kanya at sumunod sa akin si Keaton.


"Kailangan talaga kasama sa offer na iyon ang paghalik sa pisngi niya?"tanong niya na nakatingin kay Keaton.


"That's the role that I must do para kapani-paniwala. Paalala ko lang, peke lang iyon, scripted lang iyon"sagot ni Keaton.


"Umalis ka na dito"malamig na sabi ni Wallace at nakipagtitigan kay Keaton.


Naglakad na palayo si Keaton.


"Sorry talaga Wallace"sabi ko sa kanya.


"It's okay, pero gusto ko ng maraming kiss dito"tinuro niya ang pisngi niya at napangiti ako.


"Sige, willing ako"sagot ko at pinaulanan ko siya ng halik sa pisngi.


"Naku para-paraan ayos yan marami ka nang natututunang da moves na isinasabuhay mo Wallace"narinig ko ang boses na ito ni Harrence malapit sa isang basurahan.


"Pakialamero, inggit ka lang kamo kasi busy ngayon si Yeisha"bulong ni Levi na rinig ko, doon siguro sila nagtatago.


"Pakialamero ka rin naman Hamster ah, wag mo ngang sirain diskarte ko na panoorin si lover boy sa mga galawan niya"reklamo ni Harrence.


"Hoy Harrence lumabas ka diyan!"sigaw ni Wallace na palapit na sa tinataguan ni Harrence at Levi.


"BWISIT KA BAKIT BA KASI AKO SUMAMA SA KABALIWAN MO! WALA KA LANG MAGAWA ISIP BATANG MAMANTIKAIN ANG MUKHA NA MAHILIG SA STICK-O!"sigaw ni Levi na lumabas galing sa loob ng basurahan at sinipa ang katabing trash can na gumulong sa bakod namin.


"Hoy ilabas mo ako dito Hamster na nakalunok ng megaphone! Nakakahilo!"reklamo ni Harrence na nasa loob pala ng gumugulong na trash can.


"MANIGAS KA DIYAN!"sigaw ni Levi pabalik at tumawa ako.


Lumapit si Wallace sa gumugulong na trash can at iniharang niya ang paa niya para tumigil sa paggulong.


"Woohh nakalabas din sa mabahong basurahan. Lab mo talaga ako Wallace! Free hugs gusto mo?"sabi ni Harrence na umaalingasaw ang amoy sa katawan niya.


"Tumigil ka, maligo ka na nga muna ang baho mo na sobra. Wala kang magawa sabuhay"kinotongan siya ni Wallace.


"Oo na"natawang sagot ni Harrence.


"Sorry ka pero ako ang mauunang maliligo Midget!"mapang-asar na sabi ni Levi na nasa loob na ng bahay at tumakbo na papunta sa banyo.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon