Hyacinth's POV
"Nadetect ko na ang location nila gamit ang cellphone ni Wallace, pero yung tracker sa cellphone ni Terrence mukhang may sumira na"sabi ni Lauren habang nagmamaneho ako papunta sa itinuro niyang location.
Kinabahan ako nang hindi sagutin ni Wallace ang mga tawag ko kaya kinutuban na akong may nangyayaring hindi maganda sa kanila. Nakarating na kami sa Subdivision ni Wallace, sa park at itinigil ko ang kotse dito. May namamataan akong lalaking nakahiga malapit sa isang puno at halata sa pigura ng katawan na si Wallace ito.
Nilapitan kaagad namin si Wallace at chineck ko ang pulso siya, humihinga pa naman siya. Napansin ko ang isang tuldok na may kaunting dugo sa braso niya.
"Mukhang may tinusok na arrow sa braso niya na may pampatulog. Wala dito si Terrence at kailangan nating makabalik sa Main Headquarter, ako na ang magmamaneho"sabi niya at tinulungan niya akong buhatin si Wallace papasok sa kotse.
Ipinaharurot niya kaagad ang kotse pabalik sa Main Headquarter. Bakit kaya nila kinuha si Terrence? Alam na kaya nilang si Terrence at V ay iisa at gagamitin nila si Terrence laban kay Wallace?
~~~~~~~~
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa inyo ni Terrence?"tanong ko sa kanya nang magising siya.
Nakita ko ang galit sa mga mata niya at napasabunot siya sa sarili niya. Siguradong sinisisi niya ang sarili niya sa pagkakadukot kay Terrence.
"May mga sumulpot na lalaki na nilabanan namin at narinig ko ang pangalang Black Jack bago magblack-out"mahina niyang sabi.
Ibig-sabihin ito ang mission ni Black Jack? Kailangang mahanap namin si Black Jack at sa tingin ko mahahanap namin siya sa pamamagitan ng mga Ashworth.
"Kailangan ko siyang han-"
"Pumunta na kayo sa Office ko, may pag-uusapan tayo"biglang sumulpot si Kuya Zephyr at sumunod kami.
"Kailangan nating mahanap kaagad si Terrence at malaki ang tiyansiya na gagamitin nila si Terrence laban sayo Wallace. I-check mo sa Social Media account mo, baka may nagpadala ng message o video na galing kay Black Jack o sa iba pang miyembro ng Kurai Organization"sabi ni Kuya Zephyr at kinalikot kaagad ni Wallace ang cellphone niya.
"Meron nga po"sagot ni Wallace at pinindot niya ang play button ng video.
Kilala niya sina Wallace at Terrence, samantalang sina Kenzie, Keaton, Dylan, Tiffany, Therese, at Brittany lang naman yung nakakakilala sa kanila na miyembro ng Kurai Organization.
'Hell-o sayo Wallace, kawawa ka naman kasi kilala kita samantalang hindi mo ako kilala. Gusto kong palabasin mo si L o si V para maligtas itong g*go mong pinsan'sabi ng isang lalaking nakamaskara ng blue, si Black Jack.
Ipinakita niya si Terrence na nakakulong sa isang selda na hindi lang basta-basta. May mga galos siya sa katawan.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...