Wallace's POV
Habang hinihintay kong magising si Keaton, tinignan ko isa-isa ang lahat ng mga tao dito. Kapansin-pansin ang saya at excitement sa mga mata nila. Ang sa iba naman ay may halong awa at ang lahat naman ng may mga matataas na posisyon sa organisasyon namin ay nakaupo sa pinakababang parte na may mga nakahilerang lamesa.
Napako ang tingin ko kay Hya at nakangiti siya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Tila may agam-agam ka,"napalingon ako nang magsalita ang mama ni Hya na nasa tabi ko na pala.
"He deserves it,responsible siya sa pagkamatay ng mama at ng papa mo,"sabi naman ni Tito Heinz, ang tatay ni Hya.
Bigla kong naalala ang pagkamatay ng magulang ko at sumilay ang ngiting mapait sa labi ko.
Revenge is not the answer, but for me, it's the best solution.
"You deserve your justice kahit na sa ganitong paraan. Nagsisimula ka palang sa pagkamit ng bagay na nararapat sayo,"singit ni Lester na nandito na rin.
Biglang nagsalita ng sabay-sabay ang lahat ng mga tao dito.
Pansin ko ang pagtingin nila nang masama kay Keaton na gising na pala.
"Sigurado na po ako,"diretso kong sagot.
"Then you have the floor, papanoorin ka lang namin sa gagawin mo,"nakangiting sabi ng mama ni Hya at bumalik na sila sa mga upuan nila.
"Patayin mo na ako,"monotone na sabi ni Keaton sa akin.
"I know,"matipid kong sagot sa kanya.
May machine na nakaattach sa rib cage niya na nakabaon sa katawan niya. Sa oras na maubos ang oras niya, tutuklap ang balat niya pati na rin ang rib cage niya na bubuka na agad niyang ikamamatay (Angel's Trap sa Saw 4 Movie).
Hindi ko na siya hinintay na sabihin ang last words niya. Sinimulan ko na ang timer na may 30 seconds lamang bago maactivate ang trap.
Nanaig ang katahimikan at tanging ang tunog lang ng timer ang maririnig. Nang nasa sampung segundo na lang ay nagbilang na ang mga ito.
Nagcocountdown ang lahat ng mga tao hanggang sa maubos ang huling oras niya.
Tumuklap ang balat niya kasabay ang pagbuka ng rib cage niya na kitang-kita na. Tumalsik ang napakaraming dugo pati na rin ang iba't-ibang mga laman-loob tulad ng puso, baga, atay, iba pa, at ang pagkalat ng bituka niya sa sahig.
Kinuha ko ang Swiss Knife at dinukot ko ang mga mata niya. Ginamit ko ang kutsilyo para putulin ang ugat na nakakabit sa mata. Inilagay ko ang mga ito sa espesyal na garapon na ididisplay sa Special Room nitong headquarters.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...