Chapter 39: Renegade

284 15 0
                                    

Hyacinth's POV


Kahit na tinatakpan ko ang ilong ko pakiramdam ko ay nasusuffocate pa rin ako. Ubo ako ng ubo na parang may TB ako at wala na akong masyadong makita sa sobrang kapal ng usok.


Maya-maya ay nakarinig ako ng pagbagsak na galing sa taas at yung tunog na parang may nabasag na salamin.


Biglang may kamay na pumulupot sa bewang ko at isinandal ako sa kanya. Naging panatag ako at pakiramdam ko ay ligtas na ako sa kapahamakan.


May hawak siyang lubid at hinawakan niya ako nang mahigpit.


"Itaas mo na!" sigaw niya at tumaas na kami.


Si Terrence ang naghatak sa lubid pataas.


"Okay ka lang ba?"tanong ni Wallace.


"Oo, salamat"sagot ko at binuhat niya ako papasok sa kotse.


Pinainom niya ako ng tubig at napansin kong nakikipaglaban si Lauren kay Therese at sina Kenzie, Dylan at Keaton ay wala dito. Sina Harrence, Yeisha at Levi naman ay nauna nang umuwi dahil sa isang pangyayari. 


"Damn!" narinig ko ang pagmura ni Therese, sugatan na siya.


"Umalis na tayo dito bago pa dumating ang iba pang taga-Kurai Organization" sabi ni Lauren at pinaharurot nila ang kotse.

~~~~~~~~


Pagkabalik namin sa Main HQ ay nagtitipon ang lahat sa Main Office at may isang bangkay sa harap na pagmamay-ari ng isa sa mga tauhan namin na si Aries.


"May traydor dito na kumikilos na galing sa ibang organization. Mag-iingat kayo at momonitorin ngayon ang lahat ng tauhan natin" sabi ni Kuya Zephyr.


May hawak siyang bala ng baril na kinuha ni Wallace at inobserbahan niya ito.


"Kapareho ito ng bala na tumama sa balikat ko nang barilin ako ni Tiffany sa Café" sabi niya.


"Galing sa Kurai Organization ang espiya o ang traydor na nandito. Nasa Infirmary sina Jimin at Jungkook" ningitian kami ni Kuya at tumango lang kami.


Umalis na kami at naglakad papunta doon. Nandoon din sa loob si Clifford.


Napatingin silang lahat sa amin at nakahiga sina Jimin at Jungkook sa higaan.


"Mabuti at ligtas kayo, maraming salamat Hya," sabi ni Jimin.


"Walang anuman"sagot ko at ningitian nila ako.


"Pumunta na kayo sa kwarto niyo, siguradong pagod na kayong lahat"sabi ni Clifford na nakangiti.


"Ihahatid na kita sa kwarto mo Hya"bulong ni Wallace na nakaakbay na sa akin.


Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon