Wallace's POV
Pagkagising ko ay dumiretso ako papunta sa kwarto ni Clifford. Ang translation ng hieroglyphics na nasa Black Credit Card ay ang pangalan niya.
Wala siya dito at hinalungkat ko na ang mga gamit niya sa drawer hanggang sa may makita akong picture niya na kasama niya si Keaton. May gold mask din dito na kapareho ng kay Junmian.
Realization hits me, so damn hard. Ang pagkakaibigan namin ay isang kasinungalingan lamang. Siya ang espiya na bagong protector ni Keaton at ginamit lang niya ang pekeng pagkakaibigan namin para maisagawa niya nang hindi nahihirapan ang mga plano niya.
"Wallace, anong ginagawa mo dito?"nandito na siya.
Ibinalik ko sa drawer ang mask at ng picture.
"Junmian," hinarap ko siya at tinignan ko siya nang masama.
"Nabuking na pala ako, tapos na ang mission ko. Our friendship is for nothing actually, ano sa tingin mo ang tama, 'is' o 'was'? Matalino ka diba baka pwede mo naman akong turuan, yun ay kung may oras ka pa" nagkibit balikat siya at may dinukot siya sa bulsa niya.
"Hindi ka na makakalabas nang buhay dito once na makapasok ang mga katulad mong traydor,"ngumisi ako at pinaputukan niya ako ng baril.
Iniwasan ko ang mga ito at may pinindot akong button sa gilid ng kama. Maaactivate ang trap dito na nakalagay mismo sa tinatapakan niyang sahig. May lumabas na dalawang espada na bumaon sa magkabilang paa niya.
" Hindi ako makakalabas dito pero kamusta naman ang kapatid mo? Hindi naman na siya makakapasok dito dahil papatayin na siya ni Keaton!"sigaw niya nang nakangiti.
Umalis si Wycliffe para manood ng sine kasama si Ashleigh. Sh*t!
May kinuha siyang cellphone at may pinakita siyang live video na nagkakagulo na sa sinehan at inaatake na nila Keaton sina Wycliffe at Ashleigh.
Kinuha ni Terrence na kararating lang ang cellphone niya at kinuwelyuhan ko siya.
"Kapag may nangyari sa kanya mapapaaga ang kamatayan mo," bulong ko sa kanya.
"Kami na ang bahala sa kanila, dito ka lang" sabi ni Hya na kasama si Lauren.
"Salamat"sagot ko at sinikmuraan ko si Clifford.
Hyacinth's POV
"Hououin Kyouma? Lei? Papunta na kami diyan," sabi ko sa earpiece nang maiconnect ito ni Lauren sa kanila.
"Hello Akayuki," bulong ng isang lalaki, si Kenzie.
"Headset Hijack, give it back to them," maotoridad kong sabi sa kanya.
"Kilala mo naman ang nagmamay-ari ng boses na ito diba? Goodluck sa inyo? Pasalamat ka at hindi tayo magkikita ngayon" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...