Chapter 33: She's Back

332 24 5
                                    

Hyacinth's POV


"Terrence at Lauren, hindi pa talaga patay si Hya at pinalabas lang namin na sa kanya ang bangkay na iyan para maisagawa niya ang plano niya. Sinabi niya ang lahat ng plano niya sa akin pati na rin sa pamilya niya at gusto niya rin na sabihin ko ito sa inyong dalawa dahil kinakailangan. Pagbalik niya ay siya na ang bahalang magsabi nito at magpaliwanag sa iba, lalo na kay Wallace. Magpapanggap siyang patay at kapag inilagay siya sa Corpse Bag ng Kurai Organization, ay makakapasok siya sa Main Headquarters nila at kukuha siya doon ng impormasyon tungkol sa binabalak nilang pakikipag-alyansa sa 2 Organization na Yin at Yang Organization, pati na rin sa Shin Organization na organisasyon ng mga Assassin. Pero napakadelikado doon kaya hindi siya magtatagal doon and by the way, naririnig niya tayo ngayon dahil makakonekta kami ng earpiece. Ito ang First Mission niya na walang kasamang protector"sabi ni Kuya Zeph at alam kong kausap niya ngayon sina Terrence at Lauren.


Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan at inilapag na ako sa isang lamesa. Inilabas ko na ang card ko at pagkabukas ng isang tauhan sa Corpse Bag na kinaroroonan, bago pa siya makareact ay bumangon ako at inihagis ko na ang card na naging blade na sa noo niya. Nahiwa ito at ipinasok ko siya sa Corpse Bag. Nandito ako ngayon sa Morgue ng Headquarters nila, mabuti naman at walang CCTV sa Room na ito.


Naging alerto ko nang makarinig ako ng isang katok sa pintuan. Nagtago ako sa likod ng pintuan at nang pihitin niya ang door knob, pumasok siya sa loob at inihagis ko sa sentido niya ang blade na kinuha ko galing sa bulsa ko. May hawak na folder ang taong ito at isinilid ko muna ang katawan niya sa Corpse Bag kasama ng isa pang tauhan. Binasa ko ang laman ng folder nang mabilisan.


Itinago ko kaagad ito sa back pack ko dahil magagamit naming ito, importante ang nilalaman nito na tungkol sa mga Upcoming Projects ng Kurai Organization at ang pinakapriority nila ngayon ang project na may pamagat na Annihilation Project, sa pangunguna ng Ashworth Clan pati na rin ng Smithson Clan.


Smithson, apelyido ito ni Dylan ah, mukhang napakahalaga ng posisyon niya sa Kurai Organization.


Makikipag-alyansa sila sa Yin, Yang at Shin Organization para maging mas makapangyarihan sila at para din magawa nila ang Annihilation Project na ito. May iba't-ibang proposal ang Ashworth Clan at Smithson Clan tungkol dito.


'1st step: Laura Mace Matteson'pangalan ito ng mama ni Wallace at may kinalaman ang project na ito sa plano nilang pagpatay sa kanya?


Medyo naguguluhan ako sa parteng ito at napapaisip ako kung ano ang ibig-sabihin nito. Pagkatapos kong magbasa ay binuksan ko ng konti ang pintuan para makita kung may tao pa ba sa Hallway. Kailangan kong ng pagdodoble-ingat dahil Main Headquarters ito ng Kurai Organization.


Nabigla ako nang makarinig ako ng malakas na Alarm dito at maraming Red Light ang umiilaw sa buong lugar. Hudyat kaya ito na alam nilang may Outsider sa Main Headquarters nila?


"Traps activated, beware of the enemy"narinig ko ang tinig na ito sa buong lugar na nakilala kong boses ni Kenzie.


"Kailangan mo nang umalis diyan ngayon na Hya!"malakas na sabi ni Kuya Zephyr sa earpiece.


"Okay"sagot ko.


Naging alerto ako sa pagtakbo ko nang tahimik at dumaan ako sa isang bintana. Kumapit ako sa bawat ledge at bumaba ako sa likod ng Headquater na ito. May malaking pader dito na kailangan kong akyatin.


Napatigil ako nang makarinig ako ng kaluskos ng paglalakad ng isang tao at tunog ng high heels ang naririnig ko. Napalingon ako sa taong ito at hindi ko inaasahang makikita ko dito ang mama ni Kenzie.


"Dadaan ka muna sa akin bago ka makatakas. Galing ka siguro sa Kaji Organization?"tanong niya, nakamaskara ako pero hindi ko suot yung signature mask ko bilang Akayuki.


Hindi ako kumibo at bigla siyang naglabas ng baril. Pinaputok niya ito ng maraming beses, yung tuluy-tuloy sa direksyon ko. Sharp shooter siya, at nagkataon pang wala akong matataguang pader o puno dito. Iwas lang ako ng iwas at inilabas ko naman ang pabilog na bahay na kasinlaki ng holen. Hinagis ko ito sa kanya at sumabog ito, kaya sinamantala ko nang umakyat sa mataas na pader habang makapal pa ang usok sa paligid.


Sumakay kaagad ako sa kotse ko at pinaharurot ko ito palayo. Inaasahan ko nang may susunod sa aking mga nakamotor kaya inactivate ko ang Emergency Button ng kotse ko, yung hindi ko na kailangang magmaneho dahil automatic na ito. Mga nasa 5 yung nakasunod sa akin.


Bulletproof ang kotse ko kaya wala akong problema at binuksan ko ang bubong ng kotse para pagbabarilin ang mga sumusunod sa akin pero tumayo muna ako. Hindi bulletproof yung gulong ng motor nila kaya nabutas ang mga ito at kung saan-saan sila napunta at tumalsik ang iba.


Makakabalik na rin ako nang ligtas sa Main Headquarters, namimiss ko na sila at 1 araw akong nawala.

~~~~~~~~


Nang makarating ako sa Main Headquarters ay dumiretso ako sa opisina ni Kuya Zephyr para ibigay sa kanya ang mga folder na nakuha ko kanina.


"Punta ka na sa room ni Wallace, mahaba-habang usapan ang kailangan niyong dalawa. Mabuti at ligtas kang nakauwi Hya"niyakap niya ako saglit.


"Sige po Kuya, salamat"sagot ko bago ako tumakbo papunta sa silid ni Wallace.


Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at naabutan ko doon si Terrence at Lauren.


"Namiss ka namin Hya, may kaunting sakit pa si Vaughnie Totoy"sabi ni Terrence.


"Mabuti at ligtas ka, ang buong akala ko ay namatay ka nang dahil sa akin"sabi naman ni Lauren na napayakap sa akin.


"Sorry kung napag-alala ko kayo"sagot ko sa kanila.


"Sige usap na kayo ni Vaughnie Totoy, magdadate pa kami ni Sexy Hot Chilli Pie ko"inakbayan niya si Lauren at lumabas na silang dalawa.


Natutulog siya ngayon at halata ang malungkot na ekspresiyon sa mukha niya. May mga natuyong luha sa mukha niya na pinahid ko gamit ang kamay ko. Hinawakan ko ang noo niya at may binat pa siya, at sunod kong hinawakan ang mga kamay niya. Hindi ko mapigilang makonsensya dahil pinag-alala ko siya ng sobra lalo na at marami siyang hirap na pinagdadaanan.


Habang tinititigan ko siya, biglang bumukas ang mga mata niyang malamlam at mapula. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako at bumangon siya.


"Hya?"mahina niyang sambit.


"Oo nandito na akoat hindi pa talaga ako patay, sorry Wallace"napayakap ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapaluha.

.

.

.

.


Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon