Harrence's POV
Nababakla na siguro talaga sa akin si Levi no? Ang tindi talaga ng naglalagablab kong karisma sa mga lalaki.
"Ayos ah gumastos ka ng malaki para lang makasama mo ako dito. Lagi naman tayong nagkikita ah baka gusto mo akong masolo. Bakla ka ba o paminta Hamster?"nakangisi kong tanong.
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! HINDI NGA AKO BAKLA O PAMINTA! GINAWA KO LANG ITO PARA KAY YEISHA, KASI WALA SIYA DITO PARA MAKIPAGBET! PALAGI MO NA LANG PINAPAINIT ANG ULO KO!"sigaw ni Hamster nanapakasakit sa tainga.
Short tempered talaga siya at mas lalong lumiit ang mata niyang nakatingin sa akin.
"May kapa ka ba diyan? Bagay sayo i-cosplay si Dracula with matching buga ng apoy? O di kaya pwede ka ding maging Tanod na nasigaw sa megaphone kapag may announcement sa Baranggay. Pero ikaw hindi mo na kailangan ng megaphone"pang-aasar ko sa kanya.
Kulang na lang bumuga siya ng apoy eh. Masununog ang kagwapuhan ko doon. Ang sarap niya talagang asarin.
"MANAHIMIK KA NAKAKABWISIT KA! BAKA NGA IKAW ANG BAKLA EH FAVORITE MO SI JOLLIBEE! ISIP-BATA KA PA BAKA GUSTO MONG KUNIN KO ANG LAHAT NG SUPPLIES MO NG STICK-O!"sigaw niya habang binabatukan ako.
Grabe din siya mambatok eh ang sakit. Mananahimik na nga ako.
"Oo na ho mananahimik na ho sorry ho"sagot ko nang nakanguso.
Delikado makipag-asaran sa Hamster na ito baka sunod niyo na akong madadatnan sa lamay. Maraming babae ang iiyak at babaha sa Pilipinas, kaya mananahimik na lang ako.
"Ang pinili ko ay ang panonood ng movie, hindi date. Manonood tayo ngayon ng The Exorcist. Bonding time natin to Harrence"nakangisi niyang sagot habang kinuha ang sandamakmak na inorder niyang pagkain.
Diba horror yun? Ayoko nun, baka atakihin ako sa puso. Joke lang, healthy ako wala akong sakit. Matagal nga palang namamamatay ang mga gwapong katulad ko. Nananadya talaga eh alam naman niyang takot ako sa rides at sa horror movies.
"Sige nood na tayo"sagot ko habang niyakap ang isang unan sa upuan.
Nagsimula na ang movie, sana nandito si Yeisha-babes para mawala ang takot ko, wala akong mahahalikan. Pinipigilan kong sumigaw habang nanonood ng movie kasi alam kong pagtatawanan ako ni Levi. Tinatakpan ko na lang ng unan yung mukha ko kapag natatakot ako.
"Akin na yang unan, ako naman ang gumastos eh"inagaw niya sa akin ang unan.
"Nananadya ka ba?"sabi ko sa kanya.
"Medyo"sagot niya nang nakangisi. Kumain ako ng popcorn habang nanonood at ganun din siya.
"Ahhhh"napasigaw ako nang makitang nagapang si Regan MacNeil, yung sinapian tapos naikot pa yung ulo niya.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...