Keaton's POV
Hindi ko inaasahang magagawa kong mahalikan si Hyacinth dahil sa unexpected situation na napasok ko kanina. Mas lalo pa akong nakaramdam ng kakaibang feeling nang mahalikan ko siya sa labi. Ang main purpose ko sa pag-offer kay Hyacinth ay para mas maobserbahan ko pa sila ni Wallace. They're both suspicious. Nagsabi ako ng reason na kung saan magbebenefit siya para mapapayag siya kaagad.
Hindi naman talaga ako dapat mahulog kay Hya, pero may bumabagabag sa isip ko. Nalilito na ako, kasi noon, si Therese na ang minahal ko, pero simula nang mag-offer ako kay Hya, bigla na akong naguluhan. Dapat pala hindi ko na lang siya nilapitan o binigyan ng offer, it's all my fvcking fault. Hindi ko alam na may mararamdaman akong ganito, uh! Fvck this emotion! I shouldn't have kissed her! Sana epekto lang to ng pagiging lalaki ko, I think it's just a simple infatuation.
Dumiretso kaagad ako sa Office ng University nang paalisin ako ni Hya. Base sa pagkukuwento ni Therese kagabi, mukhang dito mismo nag-aaral sa University ko si 'Akayuki'. Long sleeves ang Uniform dito kaya hindi ko makikita kung sino sa mga estudyante ang may hiwa sa braso.I should find the culprit as soon as possible, this may lead me to further informations about the other leaders of Kaji Organization.
Kaji Organization: 4 leaders and their protectors:
-Akayuki (Protector: Lissandra)
-L (Protector: V)
- Shyvana (Protector: Hera)
-Doux charmant (Protector: Zilean)
Kurai Organization:
-Kalistaxx (Protector: Dark Venus)
-Black Jack (Protector: Kurogokegumo)
-Kris (Protector: Easton)
- Kerudo Kemono (Protector: Heiwa)
Alam kong si Hera si Heramiah Fontellar, sinadya niyang magcodename ng ganito dahil alam niyang malalaman din naman ng lahat ang tunay na identity ng mga leader at protector. Pagalingan lang talaga sa pagtatago at sa paghuli ng prey. Inoobserbahan na ni Dylan ang kapatid ni Hera na si Harrence Fontellar.
Pinasadya ni Easton Matteson na hindi gumamit ng codename, protector ko siya.
Someone killed Alister's group in a brutal way. That group were ordered to assasinate Laura kaya malaki ang tiyansiyang ang anak niya ang naghihiganti. There is a possibility na si Wallace ang kumuha ng files ng Ashworth University at ng files ng Year 4-1 school year 1990-1991, ang batch ng mama niya at ng magulang ko, nagging magkaklase sila.
Hinalungkat ko ang Student Record ng University para tignan kung may kahina-hinalang estudyante dito bukod pa kay Wallace at Hya. Oobserbahan ko din ang mga kaibigan nila, lalo na sina Lauren Williams at Terrence Alexanderson.
Ito ang latest mission na kailangan kong gawin para mahuli ang bumaril kay Therese. Tinitigan ko ang Student Record nina Terrence at Lauren na iisa ang home address na nakalagay.
Pagkatapos ay umuwi na ako para mabisita ko na agad ang bihag namin na maaari naming pampain to confirm if L is Wallace's codename. Iisa sila ng codename ng mama niya at ang bihag nga pala namin ay si Loki, Wallace's father.Pumasok ako sa room kung saan namin siya ikinulong.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...