A.N of PV: Sorry kung may error, comment lang kayo kung may i-cocorrect kayo lalo na sa Grammar. Kahinaan ko ang grammar :D
Hyacinth's POV
Isang lalaking may hawig kay Kenzie, ang nakatatandang kuya niya at nakalimutan ko ang pangalan niya.
"I'm Keaton Ashworth at alam kong kinababaliwan ka ng kapatid ko. Didiretsuhin kita, gusto mo bang layuan ka ni Kenzie?"tanong niya sa akin nang may kakaibang tingin.
"Oo naman gusto ko"sagot ko.
"Then be my Fake Girlfriend in this University. Sigurado akong lalayuan ka na niya. Kung gusto mo humingi ka pa ng permission sa boyfriend mo"malamig niyang sagot.
Ano, Fake Girlfriend? Pero ayoko,siguradong hindi maganda ang papasukin ko. May ibang paraan pa naman diba?
"Ito lang ang paraan para lumayo siya sa isang babaeng kinababaliwan niya, kilalang-kilala ko ang kapatid ko. Don't worry hindi naman kita gusto, because I love someone"dagdag niya.
Hindi ako makasagot at mukhang nagsasabi siya ng totoo.
"Bibigyan kita ng isang araw para magdesisyon sa offer ko. Text me"may inabot niya sa aking Calling Card.
Tumango lang ako.
"Walang tao, labas na tayo at bumalik ka na sa classroom"sabi niya at nauna nang naglakad.
Hindi ko siya mabasa, parang iba yata siya sa kapatid niya. Bumalik na lang din ako sa classroom ko na parang walang nangyari.
...........
College Algebra IV na ang subject ngayon at mas naunang dumating si Wallacesa room at binati niya ako habang tinuturo niya ang katabi niyang upuan na walang tao.
Pagkalakad ko papunta sa kanya, biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Tabi tayo"sabi ni Kenzie na hinihigpitan ang hawak.
Naririnig ko ang mga bulungan ng mga magiging kaklase namin.
"Ayoko nga"tinapakan ko ang paa niya nang malakas para mabitawan niya ako.
Napadaing siya at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa tabi ni Wallace. Pero narinig ko ang mabilis na yapak niya. Tumatakbo siya para mapigilan ako pero hinarangan siya ni Lauren na kararating lang.
"Bawal lumapit ang mga asong gala sa kanya"malamig na sabi ni Lauren kay Kenzie.
"Sino ka para pigi-"
"Sumunod ka sa akin kung ayaw mong hambalusin kita ng patola"singit ng isang babaeng humila sa buhok ni Kenzie papunta sa upuan sa pinakaharap.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...