Chapter 50: From Bad to Worse

257 14 0
                                    

Wallace's POV

"Ang last mission niya bago siya magkasakit ay ang iligtas ako dahil nakidnap ako ng isa sa mga leader ng Kurai Organization na si Daryl Smithson, ang tatay ni Dylan. Nang araw na iyon ay may itinurok sa kanya si Daryl nang itakas niya ako. Iyon din ang nangyari sa kanya nang hawakan ko siya at mabuti na lang at nandoon ang mama ni Wycliffe. Ikinulong siya para obserbahan at lagi ko siyang dinadalaw,"sininok siya at inabutan ko siya ng tubig.


"Noong mga panahon na iyon ay nasa paaralan ka at inaalagaan ka ni mama dahil ayaw niyang malaman mo ang buong pangyayari dati kasi wala ka pa sa tamang edad. Lumipas ang araw na hindi na siya nasasaktan kapang hinahawakan pero kumakalat naman ang kemikal na iyon sa katawan niya na nakakapaghina ng mga organs niya,"walang tigil sa pagpatak ang luha niya.



"May tiyansiyang mangyari din iyon kay Harrence hanggat hindi pa natutukoy ang gamot dito,"mahina kong sambit.


"Kung tutuusin kaya naman niyang patumbahin ang limang taong pumatay sa kanya kung hindi lang siya naturukan nun. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit nawalan ka ng ina sa murang edad. Kasalanan ko iyon at naglihim pa kami sa iyo! Nagsinungaling ako! Kasalanan ko ang pagkamatay niya!Sorry Wallace! "sigaw niya at inuuntog niya ang ulo niya sa pader.


Naguguilty siya at sinisisi niya ang sarili niya na pasan-pasan niya hanggang ngayon.



Hinawakan ko ang ulo niya para patigilin siya sa ginagawa niya. May malaking sugat siya doon at baka mapahamak siya. I can't feel any anger, lungkot at awa ang nararamdaman ko ngayon.


"Kung ako naman ang namatay, hindi ka naman mahihirapan kasi mas importante ang nanay mo. Sana ako na lang!"napahikbi siya at hindi ako nag-alangang yakapin siya.


Niyakap niya rin ako pabalik.


"Wag kang manghihinayang, nangyari na iyon at hindi na iyon mababalik pa. Hindi naman ikaw ang pumatay sa kanya at ginawa lang ni mama ang tama. Masaya akong nailigtas niya ang taong katulad mo which proves how selfless she is. Wag mo nang sisihin ang sarili mo para hindi kami mahihirapan. Isa ka sa mga taong nagmalasakit sa akin nang higit pa sa kung anong relasyon natin sa isa't-isa, kahit na magpinsan lang tayo naging magkapatid na rin tayo. Hindi ako galit, at kung ako naman ang nasa sitwasyon mo maglilihim din ako. Naiintindihan kita Terrence,"ginulo ko ang buhok niya at tinapik ko ang likod niya.


Patuloy lang siya sa pag-iyak.


"Salamat,"bulong niya habang inilalabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng luha.



Dumugo nang kaunti ang noo niya at nakatulog na siya habang nakayakap pa rin sa akin. Inihiga ko siya sa kama niya at nakita ko si Lauren na may hawak na bandage. Iniabot niya ito sa akin at ningitian niya ako.


"Salamat sa ginawa mo para sa kanya, I didn't saw it at alam ko nang mangyayari ito sa kanya,"sabi niya bago siya umalis.



Pinalitan ko ang bandage sa noo siya at napagpasiyahan ko siyang bantayan.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon