Chapter 54: Daytime Darkness

252 15 0
                                    

Yeisha's POV


Ginagawa ni Ashleigh ang makakaya para hindi tuluyang bumigay ang baga ni Harrence. Wala akong magawa kundi ang panoorin sila at ang umiyak.


Napalingon ako nang makita kong tumatakbo sina Wycliffe at ang 2 pang lalaki na galing sa organisasyon ni Hiro.


"May antidote kaming nagawa na gumana sa mga test subjects na hayop, sana'y gumana din ito sa kanya,"sabi ng isang lalaki.


"Maililigtas namin siya Yeisha, wag kang mag-alala,"hinawakan ako ni Wycliffe sa balikat bago sila pumasok sa silid na kinaroroonan ni Harrence.


Itinurok nila kaagad ang kulay Purple na Serum sa dextrose na nakakabit kay Harrence. May nagawa nang 10 antidote si Wycliffe simula nang tutukan niya ang paggawa ng antidote sa Annihilation Project na galing sa Kurai Organization. Tinatapos na din nila ang isang kakaibang Serum na para sa Cannibal Corps Project ni Kenzie. Halata ang pagod sa mga mata nila nang dahil sa pagpupuyat, at hindi ko maiwasang mamangha sa kanila.


Maya-maya'y nakita ko ang pagluha ni Wycliffe na ikinatakot ko. Ayoko nang makita ang mga susunod na mangyayari, sana mali ang nakikita ko ngayon. Hindi na kaya nila kayang iligtas si Harrence?


Pinahid niya ang mga luha niya at nasundan ito ng pagngiti. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Ashleigh.


"Ligtas na siya Yeisha, umepekto sa kanya ang Antidote,"niyakap ako ni Ashleigh at mas bumuhos ang luha ko sa saya.


Salamat sa Diyos, at ligtas na siya.


"Sa sobrang hirap na makagawa ng saktong antidote, ay kung anu-ano na ang nagawa naming bagong Serum na makakatulong sa atin. Mapapabilis ng serum na iyon ang recovery niya,"sabi ni Wycliffe.


"Salamat sa inyo,"sabi ko kina Wycliffe at sa dalawang lalaki.


Umupo ako sa tabi ni Harrence at hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi ko siya napigilang yakapin dahil napanatag na akong hindi sa kanya nangyari ang nangyari noon sa mama ni Wallace.


~~~(Kinabukasan)


Hyacinth's POV


Pumasok pa rin kami sa school, nagbabakasakaling makahanap kami ng Clue kung ano ang pwede naming gawin para makuha namin kaagad sila.


Wala pa kaming tulog nang dahil sa pagsasagawa ng plano pero hindi kami nakakaramdam ng antok, mas nangingibabaw ang pag-aalala namin para kina mama, Lester, at Wallace.


"Uy halfday daw tara uwi na tayo!"


"Oo nga nakapost sa Bulletin Board na simula ngayon hanggang Friday, wala tayong pasok!"


"Tara Movie Marathon!"


"Sa 7-11 tayo dali!"

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon