Epilogue

500 16 0
                                    

1 month later...


Hyacinth's POV

Isang buwan na akong nasa Ospital, at narito din ang mga kaibigan ko't mga kakampi, nagpapagaling. 


Nang dahil sa pagkamatay ni Lester, ay pinakiusapan ko si Wycliffe na gamitin na niya ang Antidote na gawa niya para mabuhay ang kapatid ko. Nasa harapan ko ang malamig niyang katawan.


"Wycliffe, gusto kong simulan mo sa kanya ang bago mong Serum kung saan muli siyang mabubuhay. Ayos lang kahit na hindi siya makaramdam ng maraming emosyon nang katulad ng sa tao, basta mabuhay lang siya. Hindi ako makakapayag na hindi matupad ang ipinangako ko sa kanya,"matapang kong sabi kay Wycliffe.


"Gusto kong simulan mo sa kanya ang Robotism Serum mo,"dagdag ko.


Gusto ko na siyang palayain, pero hindi ko magawa dahil hindi niya ginustong mamatay. Kahit na magbago ang pag-uugali niya ,ang mahalaga ay mabuhay siyang muli. Ayokong mapako ang pangako ko sa kanya, ayoko itong ibaon sa hukay.


"Sigurado ka? May paraan sana para makaramdam siya ng katulad ng isang tao, pero hindi ko pa alam kung ano iyon,"nag-aalangan si Wycliffe.

"Sigurado na ako doon,"buong-buo na ang desisyon ko.

Binuhat namin ang katawan ni Lester at kinabitan siya ng iba't-ibang tube na may kakonektang machines. Hindi na pinalitan ang puso niya at tanging ang utak lang niya ang pinalitan ng isang makina na  at nagfufunction nang mas higit pa sa utak ng tao.

"Ang defense mechanism niya ay iba sa lahat, hindi siya madaling mapagod pero may tendency na mag-overheat ang machine na inilagay ko sa katawan niya kaya kailangan niyang mag-recharge sa pamamagitan ng pagkain at pagtulog. Naka-set na dito ang lahat ng memories niya simula nang mabuhay siya kaya wala siyang makakalimutan. Kung ano ang routines na ginagawa ng tao, kailangan niya ring gawin para hindi bumigay ang katawan niya. Alam kong maninibago tayo sa kanya,"sabi ni Wycliffe.

Tumango lang ako, at matapos isagawa ni Wycliffe ang procedures ay bumukas na ang mga mata niya.

"Masaya ako dahil natupad na ang ipinangako ko sayo Lester,"bungad ko sa kanya.

Bumangon lang siya at magalang na yumuko sa amin. Niyakap ko siya, pero lumipas pa ang ilang segundo bago niya ako yakapin pabalik, yung yakap na hindi katulad ng yakap niya noong nabubuhay pa siya.


Isang buwan na rin nila akong pinagbabawalang pumasok sa silid ni Wallace, at hindi ko alam kung bakit. Araw-araw ko na lang naiisip kung dahil ba patay na siya, o machine na lang ang bumubuhay sa kanya.


Iniwan na muna namin ni Wycliffe si Lester sa silid niya.


"Mabuti pa at maglakad-lakad ka o di kaya pumunta ka sa ibang lugar. Isang buwan ka nang hindi nakakalabas,"sabi ni Wycliffe.


"Hindi ko alam kung saan ako pupunta,"pag-amin ko.


Pakiramdam ko kasi paglabas ko, ay para lang akong may saltik na naglalakad sa kalye na wala sa sarili.


"May lugar akong i-susuggest sayo,"may iniabot siya sa aking flyer.


Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon