Hyacinth's POV
Maraming tao ang napuruhan ng pagsabog at nagkalat ang dugo sa paligid ng magulong Botika. Itinayo ako ni Lauren at hinatak niya ako papunta sa isang pader dahil pinapaulanan nila kami ng bala.
Binaril ko ang iba sa kanila na nakatago sa isang mataas na bulding. Napatakbo ulit kami nang pasabugin nila ang pader na pinagtataguan namin. Mas malakas ang klase ng bomba ito at napatalsik kaming dalawa.
Nang tumayo ako, ay hindi ko na makita kung nasaan si Lauren. Ramdam kong duguan na ako at wala na akong makit nang dahil sa dilim at usok. Pasensiya na sa inyong lahat, I'm sorry.
Lauren's POV
Sumigaw ako at naglibot para mahanap si Hya habang pinapatay ko ang mga kalaban pero hindi ko siya makita. Chineck ko ang bawat sulok ng lugar hanggang sa makita ko ang isang tao na kapareho ng katawan niya pero hindi ko makilala ang mukha at katawan dahil nasunog at lasog-lasog na dulot ng pagsabog.
Nakaramdam ako ng labis na kaba nang makita ang katawang ito na mukhang kay Hya talaga. Wala nang buhay ang katawan na ito at hindi ko maiwasang mapaluha nang maisip kong si Hya ito. Pinagbabaril ko ang lahat ng makikita kong palapit sa amin hanggang sa maubos sila kahit na nanlalabo ang mata ko sa luha.
Naubos na rin silang lahat at hindi ko mapigilang yakapin ang bangkay na ito. Umaasa pa rin ako na hindi ito si Hya pero sinasampal na ako ng ebidensiya sa pangangatawan at hindi ko maiwasang mapaiyak.
I failed to protect her, ako ang protector niya pero nabigo akong iligtas siya at ito siya, namatay sa harapan ko at yakap-yakap ko pa ang walang buhay niyang katawan. Wala akong kwentang guardian sa kanya, mabuti sana kung ako ang namatay ng para sa kanya pero hindi! I fvcking hate myself!
Maya-maya'y may naramdaman akong may humawak sa balikat ko, si Terrence iyon at kasama niya si Wallace na namumutla pa dahil may sakit.
"Namatay siya at hindi ko siya naprotektahan. I'm very sorry, it's my fvcking fault!"sabi ko sa kanila.
Hindi ko sila masisisi kung magagalit sila sa akin at kung gusto nila akong ipatanggal o patayin. Niyakap ako ni Terrence at si Wallace naman ay niyugyog ng niyugyog yung katawan ni Hya.
"HYA!!"yakap niya ito ng napakahigpit at sumigaw siya habang humahagulgol.
"Kukumpirmahin natin kung si Hya talaga yan wag mo nang sisihin ang sarili mo Lauren. Magtiwala ka lang sa akin at wag kang mag-isip ng mga negatibong bagay please"narelieve ako sa sinabi niya.
"But I can't help it"sagot ko sa kanya.
Nagbitawan na kami mula sa pagyayakapan at lalo akong napaluha nang mapatitig ako kay Wallace na humahagulgol pa rin habang yakap-yakap ang lasog-lasog na katawan ni Hya. Nag-aalala kami lalo na at may sakit pa siya, hindi ito makabubuti sa kalusugan niya. Napapatulala na lang ako habang naiyak dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina.
"Lauren nandito na tayo, ang lalim ng iniisip mo, hindi ko yan gusto"sabi ni Lauren at hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay.
Hanggang sa pag-uwi naming ay yakap-yakap pa rin niya ang katawan ni Hya at walang tigil ang pagpatak ng mga luha niya. Hindi ko siya masisisi kung kamumuhian niya ako. Dumiretso kami sa Morgue ng Headquarter.
"Sorry sa inyong lahat, ayos lang kung gusto niyo akong patayin. Kasalanan ko kung bakit namatay ang isa sa mga leader ng Organisasyong ito at kung bakit nalulungkot kayong lahat. Pwede niyo na akong patayin ngayon sa kahit anong paraan dahil wala akong kwentang guardian/protector sa kanya"panimula ko nang makita nila kami.
Halata ang lungkot sa emosyon ng lahat, lalo na kina Yeisha, Harrence, Heramiah, Levi, Wycliffe, Ashleigh, Lester at ni Kuya Zephyr, pati na rin ang mga magulang nina Hya at Lester. Hindi ko maiwasang mapaluha nang makita ang lungkot sa mukha ng lahat.
"We'll never do that and stop blaming yourself Lauren"seryosong wika ni Kuya Zephyr.
"Wag mong isiping galit kami sayo Lauren"sabi ng mama ni Hya at ningitian ako ng papa niya pati na rin ni Lester.
Hindi na ako makatingin nang diretso sa kanila at parang bibigay na ang binti ko pero ipinulupot ni Terrence ang braso niya sa bewang ko at niyakap niya ako nang mahigpit. Umalis na muna sila at kami na lang ang natira sa loob.
"Wag niyo muna siyang kunin sa akin please"malungkot na sabi ni Wallace nang kunin na sana nila Kuya Zephyr at Terrence yung bangkay.
Nakipaghiwalay siya para sa kaligtasan ni Hya at Lester at babalikan pa naman niya si Hya dahil ligtas na siya pero bago pa sila magkabalikan, namatay na si Hya.
"Wallace, pero kaila-"naputol ang pagsasalita ni Terrence.
"Wag muna ngayon please"sagot ni Wallace habang yakap-yakap ang bangkay at humagulgol siya.
Nanaig ang katahimikan at ang paghagulgol lang niya ang naririnig namin. Nakaupo siya sa sahig habang hinahaplos ang buhok ng bangkay ni Hya. Is this the end of their love story? Nang dahil sa akin, naging tragic ang love story nila but I'm not the antagonist.
"Bakit mo ako iniwan? Iniwan na nga ako ng mga magulang ko tapos sumunod ka pa?!"sigaw niya habang naiyak.
Nilapitan namin si Wallace nang bigla siyang mawalan ng malay. Kinuha ni Kuya Zephyr ang bangkay na yakap niya at binuhat naman ni Terrence si Wallace papunta sa silid niya.
"Alagaan mo muna siya, aalis lang ako sa-"
"Samahan mo ako dito at ayokong nag-iisa ka Lauren. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon"hinawakan ni Terrence ang kamay ko.
Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya at napaluha na naman ako. Iniupo niya ako at hinalikan niya ako sa labi ko na mas ikinaluha ko pa. Sobrang nagpapasalamat ako kay Terrence dahil sa ipinararamdam niya sa aking hindi ako nag-iisa sa mga ganitong oras.
A.N of PV: Sorry kung short update lang.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
TeenfikceKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...