Harrence's POV
Agad na nagsilabasan ang mga tao nang makarinig ng sigawan. Pumunta kaagad kami sa backstage para tignan kung ano iyon.
May malaking butas ang pader habang nakapwesto naman sa harapan ni Wallace si Hya na may hawak ng arrow.
"Muntik na siyang matamaan!"
"Buti na lang nasalo ng babae!"
"Ang cool!"
"Muntik nang mamatay si Wallace!"
Nang dahil sa side comments ng mga babae, naliwanagan na ako kung ano ang nangyari. Napatingin ako sa taong nakasilip sa labas na walang mata? May multo ba dito?
"
Are you okay?"tanong ni Wallace kay Hya na ipinulupot ang braso sa balikat niya.
"Oo naman, buti at nailigtas kita,"napatingin kami sa arrow na may bahid pa ng dugo.
May nakadikit na note dito na binasa namin nang palihim.
'Dec 25, 2016. Special Day. Advance Merry Christmas Kaji Organization. Be ready for the best gift EVER.'
"Magpapaparty ba sila?"biro ko.
"Baliw!"siniko ako ni Yeisha.
Hindi na natuloy ang program dahil ipinatawag ang lahat ng profs at officers ng University.
"Mas masaya pa ako na hindi na ito matutuloy,"sabi ni Hya.
"Ako din, naiirita ako sa pagmumukha ng partner mo,"sagot ni Wallace.
"Kung ako sayo magsuot ka na ng damit Wallace!"binato ko kaagad sa mukha niya ang t-shirt niya na binato niya sa akin kanina, pero nasalo niya ito.
Nakahubad pa rin siya at maraming babae ang nakapalibot sa kanya na halatang ginagahasa na siya sa tingin. Nice view ba? Ano pa kaya yung sa akin diba?
"Umalis kayo dito o ibabato ko sa mga mata niyo ang arrow na hawak ko?"pagbabanta ni Hya sa mga babae.
Nagulat ang mga ito at ang iba naman ay inirapan siya bago sila umalis.
"Nice one Hya!"nagthumbs-up ako sa kanya.
Ngumisi si Wallace sa kanya at hinawakan niya ang dalawang kamay ni Hya.
"Willing akong maghubad araw-araw nang ikaw lang ang nakakakita. Ikaw ang dahilan kung bakit nagsumikap ako na magwork-out para magkaroon ng ganitong katawan. Wala akong pakialam sa ganitong bagay noon, ngunit binago mo iyon. Gusto kong pagnasahan mo ako ngayon at hawakan mo lang ito, itong bagay na iniaalay ko para sa iyo Binibini,"inilagay niya ang mga kamay ni Hya sa abs niya.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Teen FictionKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...