Chapter 27: For the First Time [Fast Forward]

339 17 13
                                    

Wallace's POV


Kanina pa nakaupo si Levi dito sa Technology Room para gumawa ng paraan kung saan namin makikita sina Harrence. Naghihintay din ako ng video o message na galing naman sa ibang tao pero wala pa rin akong natatanggap.


"Pupuntahan ko ang lahat ng Headquarters ng Kurai Organization ngayong gabi"sabi ni Levi habang mabilis na nagtytype sa Computer.


Nagvibrate ang cellphone ni Harrence na nakuha namin sa Eroplano.


'May bangkay na naghihintay sa inyo dito sa malawak na Field sa likod ng Yoru Bar'


Napatayo kaagad ako nang mabasa ito at ipinabasa ko ito kay Levi.Sumakay kaagad kami sa kotse ko at pinaharurot ko ito papunta sa Yoru Bar. Ipinasara na ang Bar na iyon at ipinaalam namin ito kina Kuya Zephyr bago kami umalis.Bumaba kami at tumakbo papunta sa likod ng Yoru Bar.



Kinakabahan ako sa madadatnan ko. Pinatay kaya nila sina Harrence, Yeisha at Ate Heramiah? Humanda sila sa akin. Inilibot ko ang mata ko kung may ibang tao dito na nakamasid sa amin pero wala.


Napatakbo kami sa gitna ng Field nang makitang may nakahandusay na katawan dito.Si Harrence na puro bugbog at may dalawang saksak sa braso. Ang putla na niya sobra at halatang pinahirapan siya doon. Siya lang ang nandito at ang ibig-sabihin ay hawak pa rin nila sina Yeisha at Ate Heramiah.



"Mahina ang pulso niya  at maraming dugo ang nawala sa kanya"sabi ko kay Levi at tinapik niya ng pabalik-balik ang pisngi ni Harrence.


"Harrence gising! Naririnig mo ba kami?"maya-maya ay idinilat ni Harrence ang mata niya.


"Wallace....Levi...."namumugto ang mga mata niya.


Nagulat ako nang may pumatak na mga luha sa pisngi niya.


"Sina Yeisha at Ate, kailangan ko silang iligtas. Papahirapan sila doon at babalikan ko sila"mahina niyang sabi habang umiiyak.


Ito ang unang beses na makita ko siya sa ganyang estado. Ngayon lang siya umiyak ng ganito.


"Pupuntahan ko sina Yeisha at Ate, ayoko silang mamatay"lumabas ang mahinang hikbi sa bibig niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.


Halatang nanghihina na siya at pinipilit niyang bumangon pero hindi niya magawa.


"Kung ganun pinahirapan ka nila? Sabihin mo sa amin kung saan sila nakakulong, kami na ang bahalang magligtas sa kanila. Wag ka nang umiyak Harrence"kalmadong sabi ni Levi.


"Ma-"nawalan ng malay si Harrence at binuhat siya ni Levi habang tumatakbo kami pabalik sa kotse.


Mabilis akong nagmaneho habang si Levi naman ay naglapat ng First Aid kay Harrence at tinawagan na rin niya sina Kuya Zephyr para magpatawag ng mga Doktor sa Main Headquarter.

Disclosure [HFLIJ Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon