Hyacinth's POV
Natapos na ang training namin at naninibago kami sa mga sarili namin. May nag-iba na sa amin kumpara dati. Yung katawan ko, may muscles na at tama lang yung hugis. Hindi na rin mahina ang pakiramdam ko sa sarili ko. Hindi na ako masyadong duwag at magpapasukan na.
Tumigil kami ng isang taon sa pag-aaral pero nag-take kaming anim ng Special Exam na kapalit ng isang taon naming klase sa 3rd Year College para makasabay kami sa mga kaklase namin.
May kamahalan ang bayad sa Special Exam na ito pero nabayaran naman agad namin ito. Nagtataka ang ibang Professor dahil mahirap na tao ang pagkakakilala nila sa akin at paano ko iyon nabayaran. Para mapagtakpan ito, sinabi ni Wallace kunwari na sagot niya ang bayad para hindi magtaka ang mga Professors sa akin. Masuwerte kami at nakapasa kaming anim.
Sa pasukan, 4th Year College na kami at siguradong puno ng usapan sa University tungkol sa pagkakakulong namin pati na rin sa napakahirap na Special Exam. Yung mga nagtatake kasi nun, kakaunti lang ang mga nakakapasa at mayayaman lang nakuha nun, samantalang ang pagkakakilala ng mga estudyante sa amin nina Harrence at Yeisha, hindi naming kayang makakuha nun kasi hindi kami mayayaman.
Kailangang umakto kami ng parang normal na tao sa paaralan. Ngayon pa lang kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga magaganap na dulot nitong sikretong binunyag nila at pati na rin sa mga nangyari dati sa kulungan.
Wallace's POV
Hiningi ko na kay Terrence yung profile ng mga taong pumatay kay mama, ito na ang tamang panahon para makapaghiganti sa kanila.
"Alam kong gagawin mo yan, bilang protector mo, kailangan kitang samahan sa lahat ng oras. Ito na"inabot niya sa akin ang isang folder.
"Wag mo na akong samahan doon please"sagot ko dahil gusto ko iyong gawin nang mag-isa.
Baka din madamay siya kaya't mas pipiliin kong gawin ito nang mag-isa. Isa lang ako, lima ang papatayin ko. Hindi naman siguro ako matatalo sa kanila ngayong nakapag-training na ako.
"Tigas ng ulo, ayaw mo pa akong isama sa adventure mo. Ingat ka"sabi niya bago umalis.
Pinag-aralan ko ang profile ng mga killer. Pati na rin ang mga itsura at pangangatawan.
-Nasa iisang organisasyon sila, ang Kurai Organization. Ang isa sa mga organisasyon na kumakalaban sa organisasyon namin.
-Lahat sila ay may dugong Tsino.
-Lahat sila ay nasasangkot sa gulo sa isang kilalang bar every Sunday night, pero hindi sila nahuhuli ng mga pulis.
-Sa iisang bar lang sila napunta, sa Yoru Bar. Sakto Linggo ngayon at alam kong dito ko sila matatagpuan.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
TienerfictieKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...