Hyacinth's POV
"Sa susunod babalik tayo dito hay buhay Secret Agent nga naman"sabi niya at sumakay na kami sa Motor niya.
Sinuot namin ang helmet namin at mabilis niya itong inimaneho. Malapit lang daw dito ang E-Mall.Pagkarating namin ay pumasok kaagad kami sa Yi Xen's Restaurant. Inobserbahan namin ang lugar kung may kahina-hinala, pero wala naman. Naisipan naming umorder para mas maobserbahan pa namin ang mga tao sa Restaurant.
Umupo kami sa gilid ng bintana at kumain na kami habang minamnmanan ang paligid namin. Napatayo kaming dalawa ng may bumaril sa bintana sa gilid namin at nagdive kami para hindi kami mapuruhan. Maraming bubog ang nagkalat sa paligid.
Nagsigawan at lumabas ang lahat ng tao sa Restaurant pati na rin sa Mall.Tumingin kami sa labas at nakita namin ang isang lalaking nakamaskara na ilong at mata lang ang natatakpan.
"It's a trap"nabasa ko ang sinabi ng lalaki at hinabol namin siya.
Wala namang nakatanim na bomba sa Mall. Nang makalabas kami ay bigla siyang nawala, nasaan na siya?
"Subukan nating dumaan sa kanan habang hindi pa siya nakakalayo"sabi ni Wallace at sumakay na kami sa Motor niya.
Pinaharurot niya ito at napansin ko ang voice recorder na nakaipit sa helmet ko. Pinindot ko ang play button ng Voice Recorder.
"Hindi naman talaga kami magtatanim ng bomba, naisipan namin itong gawin para mapalabas kayong dalawa ni L. Magkakaharap na din tayong dalawa na walang maskarang suot, ikaw bilang Akayuki at ako, bilang Kris"pagkatapos ko itong mapakinggan ay narealize ko na isa itong trap para sa amin.
"May sumusunod sa atin, siguradong sa kanya galing ang Voice Recorder na iyan"sabi ni Wallace at tumingin ako sa likod ko.
Yung lalaking nakamaskara kanina ang humahabol sa amin at kasama niya si Keaton. Nasa loob silang dalawa ng kotse at tumingin ako sa mga mata ni Keaton, ganun din siya sa akin.Pare-pareho kaming walang suot na maskara at ang kasama lang niya ang meron. Sino kaya yung kasama niya?
"Akayuki"Keaton mouthed.
"Kris"mahina kong sabi.
Hindi niya dapat kami masundan ni Wallace. Hindi kami dumaan sa highway para walang madamay.May nakita akong truck na may mga container ng tubig.
"Ilapit mo yung motor sa truck"bulong ko kay Wallace at kinuha ko ang nakausling sungkitan malapit sa isang sampayan.
Tinawagan ko si Harrence sa cellphone niya.
"Rence, pakihack ng lahat ng CCTV cameras sa buong Makati City, pati na rin sa E-Mall"sabi ko.
"Copy"sagot niya.
"Thanks"ibinaba ko na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Disclosure [HFLIJ Book 2]
Fiksi RemajaKahit anong tago mo sa sikreto, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, at hindi mo ito matatakasan. Minsan tumitiyempo tayo sa tamang oras para sabihin ito, pero ngayon na ang tamang oras para dito. "Violence is not the answer but for me, viole...