Chapter 1: First day of Senior Life

958 12 2
  • Dedicated kay Trixie Correa Tiam
                                    

September 5, 2013

--

Red:


"REEEEEDDD!!!!" 


Tsss. Aga aga pa eh. Nanggigising na yung panget na kulubut ang mukha. Daddy! Where art thou? Aawayin ko nanaman si Tandang Esperanza. 


"RED! TANGHALE NA! IKA'Y BUMANGON NA! MALELEYT KA NA!" 


Is it really necessary to shout? Pwede naman siyang pumunta sa tapat ng room ko and she can speak there. Ang ingay lang eh. I hate noisy people.

Kaya naman bago pa ulit ako makarinig mula sa human armalite na yan. Bumangon na ako at dumiretso sa CR.




First day of School nga pala ngayon kaya ako maagang ginising ni Tanda. Kung di pa sinabi ni Nanay Alejandra hindi pa ako magmamadali. Syempre, as a very nice impression to people especially to the teachers, I need to be early. Kahit late ako dahil late naman ako ginising ni Tanda. Tapos papagalitan akong late daw ako nagising. Muntik ko na nga ibuhos sakaniya yung very very hot choco ko eh. Kaso nasayang ako sa choco. Ang sarap pa naman.

And as usual, madaming nagkalat na tao. May old and new faces. Nah, i don't even care. Basta ako lakad lang.

Lakad lang. Lakad lang. Lak―


"REEED!" I know those voices. I real-- "REEEED!" 


I turned and saw 2 boys running. Whoaw! Are they going to attack me?? Okay! Self-defense on. Oh wait, anong self-defense? Ahhh. Alam ko na.

Tinanggal ko bag ko at nagready na.. They wanna piece of me? Fine. They asked for it. Kaya naman nang makalapit na sila inihampas ko sakanila ang bag kong pagkamahal mahal na dahilan ng pagkaupo nila. Aba, tatlong notebook lang laman neto pero napaupo sila. Which means malakas pagpalo ko. Hah! Aatake sila eh. Alangan namang hayaan ko.


"Aray naman, Ate!" sigaw niya sakin. "Para saan yon??"

"Why'd you hit us?? It's not like we're going to eat you." napatingin siya sa kasama niya. "Or are we??" saka siya ng evil smile.


And once again....


"OUCH!" sabay nilang sigaw.


Pinalo ko ulit sila eh. Mas malakas kesa nung una. Aba! May balak silang kainin ako eh. I'm not just going to stand there doing nothing tapos bigla nalang nila akong kakainin.

"JOKE LANG" sigaw ulit niya habang nakahawak sa kaliwang braso niya. "Joke lang. Alam mo namang mapagbiro si Jan eh. Joke lang. Ate talaga oh.."


Si Jamie Rhen Santana yung ate ang tawag sakin at si Jan Jestony Javier yung inglishero na balak ata akong kainin. Mga kaibigan ko. Pero si Jamie para kaming magkapatid niyan. Sobrang close namin eh. As in sobra. Sobra talaga. 

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon