~
THIRD PERSON's POV:
"Nothing is permanent in this world. Lahat ng bagay nagbabago. Lahat ng tao nagbabago. Pero isa sa mga hindi nagbabago sa tao ay ang kanilang so-called-feelings. Do you agree?" nagsitanguan ang mga tao. "High school. Sabi nila dito mo mararanasan ang lahat ng magagandang bagay. Dito mo mararamdaman lahat ng hindi mo pa nararamdaman. My high school was like a roller coaster. It has up and downs, left and rights. Pero sa kabila ng takot na naramdaman ko sa bawat baba at bawat kaliwa, nakaramdam ako ng saya sa bawat up at sa bawat right."
Pumalakpak ang mga tao. Ngunit hindi pa siya tapos. Mayroon pang mas makahulugan siyang sasabihin..
"Sa high school niyo mararanasan ang first hug, first kiss, first date, first boyfriend and girlfriend at first love. Pero sa panahon ata ngayon e grade 5 palang may boyfriend at girlfriend na." nagtawanan ang mga tao. "Pero ang main idea dito is you need to live life to the fullest habang high school ka palang. You'll never know what will happen next. Malay mo isang araw, umalis nalang bigla yung bestfriend mo. Or worse, yung taong ayaw mong mawala sayo." napatingin siya kay Red.
"Since, andito naman na ako, I would like to grab the opportunity to tell everyone that......." hinihintay ng mga tao ang susunod niyang sasabihin. "That......." napalunok siya. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya o hindi. "That I wish everyone would be happy. Bakasyon na mga dudes! Surfs up na!"
Pinilit niyang magin masaya. Ngunit ang ipinakita niya sa mga tao ay isang pekeng ngiti na sa likod nito ay kalungkutan.
"Let's give Mr. Blake Henderson a warm applause for his Valedictory Speech!" masayang saad nung Emcee. Nagtayuan ang mga tao at pumalakpak habang pababa ng stage ang binata.
Ngayon ang kanilang Graduation. Ang kinakatakutang araw ng The Barkada. Dahil alam nilang pagkatapos neto, matagal nilang hindi makikita ang kanilang kaibigan na si Red.
Natapos ang graduation at lahat sila ay dumiretso sa kani-kanilang bahay upang magcelebrate maliban sa Barkada. Nagtungo sila sa matagal na nilang hindi napupuntahang bahay.
Ang bahay nila Blake.
Tahimik silang naglalakad papasok sa loob. Pagpasok nila, isang madilim na bahay ang naabutan nila. Binuksan ni Blake ang kaniyang Phone upang magsilbing ilaw para mabuksan ang ilaw ng bahay nila. Pagbukas niya ng ilaw.......................
"CONGRATULATIONS!"
Nakita nila ang mga magulang nila na masayang nakangiti sakanila. Nandoon ang mga magulang ni Chasie, Jamie, Daniella, Nicolette, Jan, Chandria, at Blake.
Nagulat sina Nicolette, Jan, Chandria at lalong lalo na si Blake dahil hindi nila alam na nakauwe na pala ang kanilang mga magulang dito sa Pinas.
Isa-isa nialng niyakap ang kanilang mga magulang at halos maiyak na sila sa saya. Samantalang nanatiling tahimik at walang emosyong ipinakita si Red na nagtungo sa isang sofa at naupo. Narinig niyang tumunog ang kaniyang Phone kaya agad niya itong inilabas.
From: Kuya Realm
Little sister, we're on our way.
Naguluhan ang dalaga sa text ng kaniyang nakakatandang kapatid kaya agad itong nagreply.
To: Kuya Realm
What do you mean 'we'?
'Andito naman si Ate Crey, bakit kaya we?' naguguluhang tanong ng dalaga sa isip-isip niya. Napailing siya nang naalala niya ang kaniyang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/8108654-288-k945137.jpg)
BINABASA MO ANG
The Barkada
FanficWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.