Chapter 27: Trouble

241 2 0
                                    

~

DANIELLA's POV:

Andito kami ngayon sa may science park. Nakaupo sa carpet grass. At pinagmamasdan yung Demi. Yan yung lumalandi kay Jan nung intrams. 

"Grabe! Pati blouse gagayahin sayo. Ang alam ko, sariling design mo yung ganyan mo ah. Galing naman mangopya. Grabe talaga!" Si Nicz yan. Naiinis na eh.

"Yah right." Si Red.

"Yo! Anong ginagawa niyo dito?" ayy? Hyper nanaman si Xyzma. Lowls. 

"Wala. Tumatambay." sagot ni nicz. 

Napansin niya atang may tinititigan si Red kaya tinignan niya yung direksyon ng mata ni Red.

"Bakit tinititigan ni Red si Demi?" tanong niya. Magkakilala sila? Close sila?

"Ofcourse!" napa-snap ng fingers si Red na parang may naalala. "Pinsan ni Xyline si Demi. Kapatid ka ni Xyline." hindi namin alam kung sino kausap ni Red kasi nakatingin siya sa baba. 

"Ahhh? Ano bang meron?" nagkakamot ng ulo si Xyzma tapos nag-indian seat sa tabi ko.

"Duh? Yang pinsan mo, umaatake nanaman kalandian!" walang anu-anong sabi ni Red. Malakas pa yun ah. Dami pa tuloy napatingin saamin. 

Tinignan ni Red ng masama si Demi na nakatingin din saamin. Nakatitig lang siya tapos yung Demi naman. Maarteng naglalakad palapit saamin. Yabang ah. Taas noo pa. Sus. Suntukan nalang tayo!

"Excuse me. May problema ka ba?" nakataas isang kilay nung Demi habang nagtatanong.

"Wala. Wala talaga." sarcastic na sabi ni Red.

"Eh bakit ang sama mo makatingin?" 

"Eh bakit ka kasi nakatingin?"

Nagsilapitan mga kasama nung Demi.

"Excuse me, may problema ba dito?" tanong nung isa.

Napatayo kaming tatlo. Nakatayo din sila eh. Nakakangawit kaya tumingala. So ang nakaupo nalang, si Xyzma.

XYZMA's POV:

Huhuhuhu! Mukhang kawawa ako ah. Napaggitnaan ng tatlong warfreaks at tatlong bitches. 

"Inulit mo lang tanong netong malandi mong kaibigan." si Daniella.

"Huwag ka nga mangeelam dito." hindi ko kilala. I'm gonna call her bitch #2 kasi #1 si Demi.

"Huwag ka nga mangeelam dito." Daniella.

"Ano bang problema kasi dito?" Bitch #3.

Nakakapagod. Kapag may magsasalita, titingin ako sakaniya. Kaya, palipat lipat tingin ko.

"Oh, ano nanamang nangyayare dito?"

Sabay sabay kaming naptingin sa dumating. Si Jamie, Blake at Jestony.

"Oh, good. You're here. Now you can witness how I bury her face." matapang na sabi ni Daniella.

"What?" gulong gulong tanong ni Jestony. Maski ako hindi ko alam kung bakit sila ganyan eh.

"Don't what-what me. Watwatin ko mukha niyong dalawa eh!" nainis na si Daniella.

Binalik nila tingin nila sa 3 bitches kaya pati ako na din. 

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon