Chapter 12: Blood Bath

286 5 0
                                    

September 25, 2013


~

Red:


Papunta na kami ng school gamit ang mga helicopters. Required parin kaming pumasok. At wala rin naman kaming ginagawa sa mansion. Nakakasawa rin na puro nalang training. Napapagod rin kami, tao rin kami.


"Ang ganda pala ng view pag nasa taas na." Nakadungaw si Nicz sa bintana. Tuwang-tuwa siya sa view samantalang si Chasie, akala mo lilipad eh. Ang higpit ng hawak kay Chandria. Hahaha!

"I believe I can fly. I belive I can touch the sky." Songer talaga tong Jamie na 'to.



"Oy! Coppy coppy nila julien oh." Nagtaka naman kami sa sinabi ni Nicolette. 

"Coppy coppy? Yung copy paste?" Keh, korni. Dapat hindi nalang ako nagsalita. Okay na ako sa pagiging tahimik eh. Tch.

"Slow! Helicopter! Pinabata ko lang yung copter eh." Pinabata? Ano? May edad na ba ang mga helicopter ngayon?

"Eh ano pag matanda?"

Napapoker face si Nicz. Ano nga ba? "Walang tawag don. Aish! Nevermind!" Nairita pa ata siya. Nagtatanong lang naman ako ah?



**

Bumaba yung helicopter namin nila amber sa school football field kasi nga maluwang don. Bumaba na din kami at dahil may tatlong building na malapit sa field, eh madami nanamang namangha dahil sa copters namin. Psh. Ano bang problema don? Ignorants? Ngayong lang nakakita ng helicopter?


Naglakad na kami papunta sa building namin at sila Cris sa building nila.




Scott:


"Kuya!" Nasa tapat palang kami ng pinto pero may umatake saakin. Joke. Napatigil lang kami. "OMG! I was sick-worried about you! Saan ka ba nagpunta?! Kinocontact kita pero cannot be reached ka! Ugh!" Pambungad saakin ni Suzi at mahigpit akong niyakap. Napitpit na ata ako. Ang lakas niya.

Bumitaw siya sa napakahigpit niyang yakap sakin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Kuya, ano ba kasing meron? Tell me!" Medyo may kaba sa tono ng boses niya. She's worried about me.


Should I tell her? Kapatid ko naman siya eh. Hmmm. Atsaka, wala namang mawawala. Pero, baka pati siya madamay. Ayokong masaktan siya. At baka... Maulit yung nangyari noon. Hindi siya pwedeng makakita ng dugo...


"Ay jusko!" Naagaw ni Red ang atensyon ng karamihan sa pag-sigaw niya. Anong problema nito?Pagtingin ko, "Sabihin mo na." sabi niya pero walang lumabas na tunog sa bibig niya. 

Napatingin ako kay Chandria. "Just tell her.." sabi niya, pero siya may tunog na lumabas sa bibig niya.

Napatingin din sakaniya si Suzi tapos tumingin din lang sakin. "Tell me what?" 

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon