The Barkada

280 5 0
                                    

EPILOUGE:

"Okay! 1... 2... 3... Say Ham!"

"HAM!" 

*click*

*click*

*click*

Bawat kuha ng litrato ni Chasie ay iba ibang pose ang pinakaita nila. May wacky, may seryoso. Pero ang pinakagusto talaga nila ay ang litrato nilang nakangiti sila. Ang mga babae ay nakaswimsuit, yung iba naka one piece yung iba naman naka two piece, ang mga lalaki naman naka-summer shorts lamang at topless kaya hindi maiwasan mapatingin ng mga dalagang dumadaan.

Tinawag ni Chasie ang isang lalaking napadaan sakanila upang kuhanan sila ng litrato. Pumayag naman ang lalaki. Kinuhanan sila ng tatlong litrato na may iba ibang pose. Bago ipakita ng lalaki ang litrato nila, tinitigan muna niya ang imahe ni Chasie.

'She's cute. I like her.' napangiti ang binata sa naisip niya. Marahil ay nagugustuhan niya si Chasie.

Lumapit na silang lahat sa binatang kumuha ng litrato nila. Nagpasalamat si Chasie sa binata at nakipagkilala sila sakaniya. Nalaman nilang Kevin ang pangalan ng binata. Mula noon, naging close na sila.

Nagkamabutihan sila ni Chasie at unti-unting nagkagusto si Chasie kay Kevin. Ngunit dumating ang araw na aalis na si Kevin. Nakapag paalam naman sila ng maayos sa binata.

Ngayon na ang huli nilang araw sa Boracay Beach. Kumakain silang lahat sa isang sosyal na restaurant doon. Libre naman iyon ni Xyzma kaya hindi hassle at yung iba naman tulad ng mga lalaki ay naiwan ang mga wallet.

"Sus! Sinadya nilang iwan mga wallet nila. Promise!" sabi ni Nicolette sabay subo ng kaniyang pagkain. 

"Hindi nga! Naiwan talaga namin! Akala kasi namin babalik pa dito eh." sabi naman ni Jamie na kulang nalang ay tumayo sa kakadepensa sa sarili nila na nakaiwan ng wallet.

"Wala, sinadya niyo." sabi ni Nicolette.

Tumawa lang si Xyzma. "Ano ba naman kayo! Nakabili na po ng puds! Hindi na big deal yun! What's done is done."

Pinagpatuloy nila ang kanilang pagkain. Pagkatapos silang kumain ng dinner, naglibot libot muna sila para bumili ng pwede nilang bilhin. Nagpatatak rin sila ng costumized t-shirt na may nakalahay na Barkada <3 Boracay.

Kinaumagahan, nag empake na sila dahil iyon na ang kanilang huling araw sa boracay. Kahit ayaw pang umalis nila Jamie wala na silang nagawa dahil nakaschedule na ang flight nila pabalik ng Maynila..

**

Nakarating sila ng maynila na buo at pagod kaya naman pagkarating nila sa bahay nila Xyzma ay binagsak nila agad ang kanilang mga katawan sa kung saan at natulog na.

**

Huling linggo na ngayon ng abril. Lahat sila ay nasa bahay naman nila Bea. Ngayon ang unang beses nilang makapunta sa bahay nila Bea at namangha sila sa ganda ng bahay.

Masasabi na nilang magiging masaya ang kanilang bakasyon at masaya silang nakapagtapos ng hayskul. Kahit na umalis na si Jestony at Chandria, may komunikasyon parin naman sila sa isa't isa.

**

Elbert Hubbard once said, A friend is someone who knows all about you and still loves you. 

A friend is someone who knows you more than your parents or your siblings. A friend is someone who cares about you even thought he/she knows that you are stubborn. A friend is someone who just walks inside your house and feels at home. A friend is someone who eats all your food. A friend is someone who asks for something and then return it after many years or doesn't return it all.

A friend is someone you love and loves you back more than you boyfriend/girlfriend.

Ang tunay na kaibigan minumura ka, inaasar ka ng todo, tinatawanan ka sa bawat pagkakamali mo, nakakaway mo, pero asahan mong hindi ka niyan iiwan. Kapag iniwan ka, huwag kang mag alala, kung tunay silang kaibigan, babalik at babalik sila.

Natapos ang kanilang high school life na magkakasama parin sila at magkakaibigan parin. Nagkaroon man ng hindi pagkakaunawaan ay naayos din nila ang problema nila. Maraming pagsubok ang pinagdaanan nila. Marami ang nasaktan at halos sumuko na ngunit hindi nila ginawa dahil alam nilang kaylangan sila ng kaibigan nila. 

Sa kwentong ko, lahat ay bida. May kaniya-kaniyang kwento ang bawat isa sakanila, bawat isa saatin. Hindi mo masasabing kontrabida siya dahil may ginawa, ginagawa at gagawin siyang masama sa isang tao. Bida siya sa kaniyang sariling buhay. Bida siya dahil siya ang kumokontrol sa buhay niya.

Pinatunayan ng Barkada na mayroon pang natitirang mga mapagkakatiwalaan at totoong tao. Pinatunayan din nila na may mga taong pwedeng magbago, tulad ni Bea. 

Pinatunayan nila na totoo silang mga kaibigan.

Hindi sila nag iwanan sa kabila ng mga pagsubok. Hindi sila naglimutan. Ngunit tatagal pa ba ang kanilang pagsasama kung may mga bago at mas marahas na pagsubok ang dadating nanaman.

Kakayanin pa ba nila? O susuko na dahil hindi na nila kaya?

                                                                                  Abangan.....................

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon