Chapter 46: Bea's Side

204 3 0
                                    

~

RED's POV:

Finals na bukas. Ibig sabihin malapit na ang graduation. At malapit na din akong umalis. *sigh*

Andito ako ngayon sa study room ng tambayan. Nagbabasa. Hindi ako nagrereview. Stock knowledge ang style ko. Kaso wala na-i-stock. Kaya yun ang problema.

"Uy, nagrereview." biglang dumating ang pambulabog sa tahimik kong mundo. "Anong binabasa mo?"

Imbes na sagutin ko siya ay ipinakita ko ang book cover netong binabasa ko. "Rapture." basa niya sa title.

Ibinalik ko sa dating pwesto ang libro at pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko. Naramdaman kong tumayo si Xyzma at pumunta sa bookshelf upang mahanap ng librong mababasa. Nang makakuha na siya, umupo siya sa tapat ko. 

Palihim kong sinilip kung ano yung librong kinuha niya. Akala ko pa naman magbabasa siya, kumuha lang pala ng book of drawings. Isang libro na mayroong mga drawings at may how to draw. 

"Red, may sketch pad ka?" napatingin ako sakaniya.

"Sa kwarto nila Jamie, pangatlong bed. Sa ilalim no'n may isang malaking box. Kunin mo yung blue." utos ko sakaniya. Agad naman siyang lumabas.

Pagbalik niya.. "Kay Blake naman ata to?" saad niya. Wala akong gana magsalita kaya hindi nalang ako sumagot pa. At dahil hindi ko naman na din naiintindihan tong binabasa ko dahil maingay siya, inilagay ko nalang yung bookmark sa page na tinigilan ko at isinara.

Tinignan ko si Xyzma na tuwang tuwa pagkaupo niya. Marahil ay nakita niya ang mga drawing ni Blake. Magaling gumuhit si Blake, hindi ko iyon ipagkakaila. 

"Kyah!" halos mapatakip na ako ng tenga dahil sa ginawang pagtili ni Xyzma. Ano nanaman bang problema niya? "Ikaw to, diba?" ipinakita niya sakin ang isang larawan may picture ako sa ibaba. Parehas na parehas ang drawing sa picture ko. 

"Paano napunta sayo yan!?" alam kong si Blake iyon dahil alam ko ang boses ni Blake. Hindi na ako tumingin sakaniya dahil alam ko namang papasok yan.

"WAH!" kanina pa nag iingay tong batang to. Napapikit nalang ako dahil naghahabulan na sila dito sa study room. Napagulo nila. Tss.

Bakit kaya may drawing ako kay Blake? Kaylan pa yun? Kaya siguro ayaw niyang ipakita saakin yon. Pinapakita niya lang saakin noon yon. Hmmm..

***

"Hay! Ang hirap doon sa research. Wala nga ata akong tamang sagot doon!" napakamot ng ulo si Daniella.

Tapos na ang exam namin kaya andito ulit kami sa tambayan. Lahat nandito pati si Scott, Suzi, Xyzma at Jan. Ayos na kami ni Jan dahil alam ko namang labas ako sa away nila ni Dan pero kaibigan ko parin si Dan kaya medyo may galit pa ako sakaniya.

Sila lang talaga ni Daniella parin ang magkaaway. Hindi sila nag uusap at nagpapansinan, hindi nga sila nagtitingan eh. 

"Buti pa tong si Blake matalino. Pusatahan lahat sigurado niya." taas noong saad ni Chasie habang nakatingin kay Blake.

"Hindi naman lahat. Medyo lang." pa-humble..

"Sus! Pa-humble ka daw! Sabi ng isip ni Red."

O____________________________O

Mind reader ba tong si Xyzma? Bakit parang lahat nalang iniisip ko alam niya? Mula noong sumasama na siya saamin dito sa tambayan hindi na natahimik ang buhay ko. Laging may maingay at hyper at isip bata.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon