Chapter 2: AWKWARD! >.>

556 11 1
                                    

September 7, 2013


--

Jamie: 


"Uhm.. Hi. C-can I, maybe, join you????"


"Oh My God!" Si Xyzma gusto makitable samin! Parang lalabas na yung puso ko!

"Sure. Here. Sit next to me." Umurong si Red kaya naman katabi ko siya. Ay Jusko! Kinikilig ako. Sobra. Ang bango niya pa. Aish! Bakit ba ako nagkakaganito?


Sa sobrang kilig ko, napahampas ako kay Blake. I can't contain my feelings!

"Aray!" Sigaw ni Blake.


"Uhm. Huwag mo pansinin yang kuya ko. Sadyang may sayad yan sa utak..." 

"Kuya? Uhm. So he's your"

"No."

"But you called"

"I know."


Grabe naman Red! Patapusin mo naman siya magsalita. Ang cute pa naman ng boses niya. Para siyang Fairy Princess. Yuck! Ang bading ko pala kapag kinikilig.


Biglang tumahimik.

Napatingin ako kay Xyzma kaya napatingin din siya sakin. Nagtama mga tingin namin at parang sasabog na ako anytime. Idagdag mo pa na nginitian niya ako.


"Hi, Jamie."


Okay, I can die now. Pero syempre, joke. Ayoko pa mamatay. Lalo pa't kakakilala ko lang kay Xyzma. 


"H-hi.." Tae. Ito na eh. Nauutal nanaman ako. At sa harap niya pa.


Nagtawanan naman bigla mga kasama ko. Lahat sila. As in lahat, ang lakas pa. Pati si Red na madalang tumawa, tumawa talaga ng malakas. Kaya main attraction kami.


 "Guys! Ang ingay niyo! Nakaka-agaw kayo ng atensyon." Pilit ko silang pinapatahimik. Pero ano? Tawa padin sila ng tawa. Ano bang tinatawana nila?


"Uhm.. Bakit sila tumatawa?" Tanong ni Xyzma. Ang cute niya kapag confused siya.

"Huwag mo nalang pansinin. Baka sila yung may sayad sa utak." 


"Grabe ka, Jamie! Solid! Ibang klase ka! HAHAHAHAHA!" Sige lang Daniella. Sige lang! Pagbibigyan kita ngayon pambawi sa pagtawa ko kanina sayo.

"Solid matter, bro!" Isa ka din Jan. Magsama kayo ni Dan. Aish!


Naramdaman kong tinap ni Red yung balikat ko kaya napatingin ako sakaniya. Mukha niya, parang natatae. Kung magpipigil siya ng tawa siguraduhin niyang kaya niya.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon