September 17, 2013
~
Jamie:
"Hi Jamie.."
"Oh what now Bea? Tssss.. Iistorbohin mo nanaman ako! Pwede bang lumayas ka sa harap ko?!"
Syempre sa isip ko lang yan. Ayoko namang ipahiya to, ang dami pa namang tao. Imbes, tinignan ko lang siya with a cold stare.. Kinurot naman niya magkabilaan kong pisnge which made me scream.
Sensitive ako pagdating sa mukha ko. Wala pang nakakahawak ng mukha ko except kay Papa at Mama.. Sila lang!
Nagulat siya sa pagsigaw ko kaya naman pinalis niya kamay niya sa mukha ko. Tumayo ako ng padabog.
"Don't you ever touch my face." malamig kong sabi. Nahahawa na ako sa tatlo‒ pertaining to Red, Scott and Kuya Realm.
Imbes na matakot siya at akala ko aalis na, tumawa lang siya. Ugh. She's getting to my nerves. Hindi kasi ako katulad nila Daniella na kahit sino inaaway eh. I have respect for girls, kahit kay Bea pa. Pero kapag napuno talaga ako sakaniya, nako nako. Bahala siya sa buhay niya.
"Aww! Jamie, you look so cute when you're angry." Pakshet to ha. Daniella! I need you!
"Damn! May langaw!" Wow! Kakasabi ko lang nandyan na sila agad. Salamat! Humanda handa ka na Bea Mhelle. Nawala saglit sila Daniella kasi bumili sila ng pagkain nila. Break time na eh. Sa ako lang mag isa dito sa table kasi ako lang naiwan, nagpabili nalang ako kay Blake.
Umupo naman sila isa-isa habang masama ang tingin kay Bea. Ganon din naman siya sakanila. Nang makaupo sila, masama parin ang tingin ni Bea sakanila. Akala mo may ibubuga pagdating sakanila eh. Wanna be.
"Teka nga, di ako makakain. May langaw kasi sa likod ni Jamie. Itaboy niyo nga. Nakaka-distract." Pagpaparinig ni Daniella habang nakatingin ng masama sa likod ko.
"Excuse me‒!!" Nagsasalita pa si Shine, ang dakilang right hand ni Bea, pero nagsalita si Chasie kaya napatigil siya. Napahiya nga eh.
"You may go." Sabi niya ng mapang-asar atsaka ngumisi.
"Hinde ako langaw!" Asar na sigaw ni Bea. Pikon. Psh.
"Damn, nagsasalita yung langaw!" Alam kong natatawa siya sa sinabi niya pero ang poker face niya parin. Nakaka-amaze talaga siya.
"Tss. Tara na nga girls. We're‒!!" Pinutol ni Chandria yung sinasabi ni Bea.
"We're just wasted our timing? Nanaman? Parang di kayo nag aaral." Seryosong sabi ni Chan. Tama nga kasi siya. "Stop playing dumb. Sure, it captures attention, but not the good one. You're just embarrassing yourself. Grow up."
Tumawa naman yung apat‒ pertaining to Daniella, Red, Chasie at Nicz. Wow. Just wow. Namumula na sa inis si Bea. Hah! In your face!
BINABASA MO ANG
The Barkada
Fiksi PenggemarWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.