Chapter 31: In danger, again.

239 2 0
                                    

~

JAMIE's POV:

Pangatlong araw na dito ni Venus. Bukas na siya ililipad sa America kasama si Mama at Papa. Gusto ko sumama pero ayaw ni Papa. Tsk.

Andito kami ngayon sa hospital nina Jan at Blake. Yung iba pumasok. 3 days na akong absent. Si Scott naman na daw bahala don sabi niya eh. Tong dalawa, ngayon nag absent. Salitan kasi eh.

Mag-gagabe na. Naglalaro lang si Jan sa psp ko. Wala daw kasing magawa.

Nasa right side ng bed si Blake tapos ako naman sa left. Nakahawak lang ako sa kamay ni Venus.

"Do you think she'll survive?" tanong ko kay Blake pero kay Venus nakatingin tapos napatingin ako kay Blake.

"Dude, trust her." sabi lang niya.

"Para kang si Red. Laging ganyan sinasabi niya." 

"Kasi may tiwala siya saatin. Kaya magtiwala ka kay Venus. Kaya niya yan. Matapang siya. Alala mo nung pinatumba ka niya noon sa mansion? Nung hindi pa kayo close?" bahagya siyang natawa. "Grabe, akalain mo, sinipa niya dibdib mo tapos napahiga ka nalang bigla."

Natawa na din ako pero konti lang.

Naalala ko nanaman yon. 

Pangalawang araw nila noon sa Mansion tapos medyo namisunderstood niya ako. Ganito yon.........

FLASHBACK

Nag uusap usap kami nila Blake kung paano namin i-wewelcome yung bagong members. Hindi pa namin sila kilala kasi hindi pa naman pinapakilala. 

Naglalakad kami tapos may nakasalubong kaming babae. Na-star struck nga ako eh. Di ko maalis tingin ko sakaniya.

"Crush mo nanaman." bulong saakin ni Blake.

"Gago." sabi ko ng medyo malakas kaya napatingin saakin yung babae. 

Akala ba niya siya yung sinasabihan ko?

"Ano?!" 

Tumigil kami sa sigaw niya saka dahan dahang tumingin sakaniya. Uh oh! Nanlilisik ang mata.

"Ahh. H-hindi ikaw, miss." mautal kong sabi. Kinakabahan ako. Shetnaa!

Lumapit siya saakin. As in sobrang lapit. Ilang inches lang layo namin, tapos may sinabi siya, "Narinig ko, mister. At saakin ka nakatingin."

"M-miss.." napalunok ako. Kinikilabutan ako sa boses niya. "H-hindi talaga ikaw. I s-swear."

Kumunot yung noo niya. 

"Miss, kung ako sayo hahayaan ko nalang yan dahil pumapatol yan sa babae." mas lalo lang pinapalaki ni Cris yung problema eh! >3<

"Ah ganon?" ngumiti yung babae. Actually, nag evil grin siya. A-anong ga.--

"WHAT THE?!" sigaw ko tapos nilagay ko thumb ko sa bibig ko. Pagtingin ko, may dugo. Sinuntok ako nung babaeng maganda! Ibang klase! O___O

"Miss, hindi ak..--- AW!" nagsasalita pa ako pero sinikmuraan niya ako. Kaya naman napaubo ako ng dugo.

Ibang klase tong babaeng to! Ibang klase talaga.

"Miss, aya--"

Napahiga ako sa lakas ng sipa niya. Nakahawak lang ako sa tiyan ko.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon