Chapter 47: Masaya kami

212 3 0
                                    

~

BEA's POV:

Eto na. Andito na ako sa tapat ng tambayan nila Red. Inhale. Inhale. Ay! Mali! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Wooh! Kaya ko to! Kaya ko to!

Kumatok ako at ang nagbukas ay si Red.

HINDI KO KAYA TO!! TTT ^ TTT

"What?" Uwaah! Lamunin mo na ako oh lupa! TT O TT

"A-ahh. B-busy ka ba?!" wooh! Kaya ko to. *sigh* Sana makayanan ko. U__U

"No."

"U-uhm.. M-may i-importante lang s-sana ako s-sabihin.." Ehh? Okay. Umayos ng pananalita.

"What?" Red naman! Huwag kang ganyan. Smile ka naman oh? Natatakot ako sa itsura mo ngayon.

"Uhm. A-actually.." Ay sabing aayos na magsalita eh! >3< "Sa buong barkada ko sana sasabihin."

Pinapasok ako ni Red. Susko! Kung nakakamatay lang ang titig malamang kanina pa ako namatay. Tss. Andito pa yung tatlong barkada nila na college students. Crush ko kaya yung Cristoff. Siya na naging crush ko nung malaman kong may fiance na si Jamie.

"Bakit may langaw dito?" 

"Daniella, please, pumunta ako dito para humingi ng sorry." kinakabahan ako. Woosh! Ano kayang sasabihin nila?

"Okay." Okay? Ganon nalang yon para kay Red? What the?

"Okay?! Duh? After nung mga ginawa niya saatin okay lang sasabihin mo?!" hmm. Kung tutuusin sila nga yung may mas malaking kasalanan saakin eh.

"No, Chasie. Tayo ang mas may malaking kasalanan sakaniya." napanganga ako sa sinabi ni Red. Pati yung mga kasama niya. May ganyang side pala si Red? Ang alam ko kasi bitchy ugali niya eh. Hmm.

"Red, that was before." salita ni Daniella. "Atsaka, nagsosorry naman tayo ah."

Sorry? "Anong sorry? Wala nga akong natatanggap na sorry mula sainyo eh." sabi ko.

"Huwag kang mag maang-maangan, Bea." okay. Madami sila, iisa lang ako. NIcz, easy ka lang. "Pumupunta kami sa room niyo noon, dahil nga diba hindi tayo pare-parehas pa ng section. Pero basta pupunta kami doon para magbigay ng peace offering at para makapagsorry ng personal kaya binibigay nalang namin sa mga kaibigan mo."

"Kaibigan? Wala naman silang binibigay saakin ah." nagkamot ako ng ulo. Hindi ko tuloy alam kung anong iisipin ko.Kung nagsisinungaling sila o kung triinatraydor ako ng mga kaibigan este naging kaibigan ko.

Nag-snap ng daliri si Chandria. "That's it! Kaya hindi mo alam ginagawa namin dahil maaaring tinatapon nila mga binibigay namin or hindi sinasabi sayo mga sinasabi saamin dahil gusto nilang maghiganti ka saamin. They're the real enemies here." she really is smart.

"Bakit naman nila gagawin yon?" tanong ko. 

"Bea, don't you get it? They've been using you from the very start." say ni Chasie. "Ginagamit ka nila dahil alam nilang kaya mo kaming patumbahin. Bea, they've been our enemies mula pagkapasok namin at mula pa nung mabuo tong grupo namin."

Now I get it. Kaya naman pala nalang sila. Kaya pala ang dami nilang sinasabi saakin na panira tungkol sakanila. Ang galing nilang magpanggap.

"Pero wala naman kaming magagawa kung ganoon sila. Hayaan mo na sila. They're no use to us. Kumbaga, mga dumi lang sila. Pakalat kalat. Pilit na nililinisan pero pabalik balik." walang emosyong sabi ni Red habang nakahiga sa sofa nila at nakatakip ang braso sa mata.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon