Chapter 21: Courting Daniella

254 4 0
                                    

~

NICOLETTE's POV:

"Ready na lahat?" tanong ko sa may ari nitong restaurant na ni-rent pa talaga namin. Lahat nga kami gumasto eh. Si Jan na manliligaw walang nagasto. Gasolina lang. 

"Yes, ma'am." sagot niya.

Ang galing mamili ni Chandy ha. Rooftop ang venue. May pool. Tapos kitang kita ang maynila. Basta maganda. Napaka romantic.

Naatasan din kaming dalawa ni Chasie na kumanta. Si Chasie nagvolunteer eh. Kaya napasubo ako.

"K, ayos na yung banda?" tanong ko kay Chasie. Tumango lang siya. 

"Nicz, may problema." kinakabahang sabi ni Jamie.

"Ano?" tanong ko.

"Si Daniella..."

"ANO?!"

"N-naaksidente.."

O_______________________________________O

"Joke!" nagpeace sign pa siya.

"Loko ka! Don ka na nga!" pantataboy ko sakaniya.

"Hey. Ayos na lahat?" tanong sakin ni Red habang nakasunod lang sakaniya si Scott. Anong meron sakanilang dalawa?

"Yeah. Hinihintay nalang ang  Prinsesa." sagot ko at bahagyang natawa. Ngumiti lang siya.

"Eh asan ang prinsepe?" tanong ni Scott.

"Here." biglang sumulpot si Jan na nag aayos ng tie niya. Or maybe not. Alam ba niya o hindi?

"Tss. Come here." lumapit si Jan kay Scott atsaka inayos ni Scott yung tie ni Jan. Expert.

"Thanks." Jan.

"Just make sure everything will work out fine. I want this night to be one of Daniella's best nights." ngumiti ulit si Red. 

Tumango lang si Jan bilang response. 

"Andyan na sila!" nagpapanic na sigaw ni Jamie.

"OA naman neto." ayan. Naprangka tuloy ni Chandy.

Kinuha ko na yung ipangbla-blindfold kay Danie. Tumakbo ako papunta sa entrance. 

"Oops! Teka! Eto muna." sabi ko habang ipinapakita yung blindfold sakaniya.

"Para saan yan? Kakainin ko?" napapoker face nalang ako sa tanong niya.

"Talikod ka na nga." tumalikod naman siya tapos nilagay ko na yung blindfold.

Inalalayan ko siya papuntang elevator.

Habang paakyat. Tinignan ko yung dress ni Daniella. 

"Ang cute naman ng dress mo." sambit ko.

"Cute, noh? Hindi ko ngalang kilala kung sino nagbigay kasi hindi naman sinabi ng nagdeliver. Edi hinayaan ko nalang."

"Sino nag ayos sayo?" tanong ko.

"Hmmm. May kumidnap sakin kanina eh. Dinala ako sa isang salon. Uhm.. Hindi ko nga lang matandaan yung pangalan ng salon."

"Ah." wala akong nasabi. Pero parang kilala ko kung sino nagbigay nung dress. Tapos parang familiar yung style ng makeup eh.  "Pero, girl, bongga mo ah. Ganda ganda mo. Akalain mo. Isang warfreak na boyish. Lululu!"

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon