~
WEEKEND BONDING part 2: SPIN THE BOTTLE.
THIRD PERSON's POV:
"Hey! Magdidilim na. Di pa ba kayo aahon?" tanong ni Crey sa mga nakababata niyang kasama. Siya muna ang tumatayong ate nila dahil siya naman ang pinakamatanda sakanila.
"Let the kids have fun." pangungunsinti naman ni Realm sakaniya.
"It's getting dark, baka mamaya magkasakit pa sila."
Nakakaintindi na ng tagalog si Realm dahil magaling naman magturo si Crey. Nakakasalita na din sya ng tagalog pero mas sanay padin niya magsalita ng english.
Nakaupo lang silang dalawa sa patio habang umiinom ng orange juice. Nag eenjoy naman sa pagswiswimming ang mga magkakaibigan na parang kinalimutan na nila ang mga problema nila.
Ang hindi nila alam, mas madami at mas malalaki pang problema ang darating.
"Scotty, look." nginuso ni Red kung nasaan ang kambal at si Xyzma. "Mukhang na-love at first sight yung kambal kay Xyzma ah."
"Yeah. I know. And don't call me Scotty." reklamo ni Scott. Ayaw na ayaw kasi ni Scott na natatawag siyang Scotty dahil pangbata daw ito. Natawa nalamang si Red.
"It's cute! Bakit ba ayaw mo?" natatawang tanong ni Red sa inis na inis na si Scott.
"It's disgusting." parang nandidiri pa ang itsura ng binata. Natawa na lamang silang dalawa.
"Danie, look. Mukhang nagkakasiyahan ang mag-ex ah." sabi naman ni Chasie kay Daniella na kasama niya malayo kina Scott at Red. Napatingin si Daniella kay Red at Scott na masayang nagtatawanan.
"Si Red lang talaga nagpapatawa sa cold guy na yan, nuh? Masayahin naman siya nung 1st year upto 2nd year. Nakakatawa pa nga siya noon eh." sabi naman ni Daniella na inaalala ang mga nakakatawang ginawa ni Scott noong 1st and 2nd year palang sila.
"Yah right. Pero nung nagbreak sila, naging cold na siya. Lakas ng impact." singit naman ni Nicz sa usapan ng dalawa.
"Eh di ba si Scott naman nakipagbreak? Eh bakit parang siya yung sobrang affected?" napakibit balikat nalang ang tatlo sa tinanong ni Chandria atsaka napatingin sa dalawang nagtatawanan.
"Anyways, may sinabi si ano sakin." pag iiba ng topic ni Daniella at napunta sakaniya ang attention ng tatlo.
"Umamin na ba?" masayang tanong ni Nicz. Napangiti lang ng pagkalaki laki si Daniella.
"Yiieee~ May lovelife na siya!" pangungutya ni Chasie kay Daniella na may kasama pang sundot sa tagiliran.
"Blik!" tawag ni Jamie sa kaibigan niyang si Blake. Napatingin si Blake kay Jamie na may pagkalito sa itsura.
"Ano nanaman ba yang tawag mo sakin? Mamaya marinig nanaman ni Red aasarin nanaman ako." medyo naiinis na sabi ni Blake.
"Nah, look." nginuso pa ni Jan ang direksyon ni Scott at Red na nagtatawanan at naghaharutan. Masaya sila. Ngayon lang ulit nila nakita na tumawa si Scott kaya naman hindi nila maiwasan mag isip ng kung ano ano.
"Sila na ba ulit?" tanong ni Jamie sa dalawa. Napatingin lang si Jan sakaniya gamit ang WTF?-look. Alam niya kasing masasaktan si Blake kaya nagreact agad si Jan.
Masayang tumatawa si Xyzma kasama sina Suzi, Sky, at Skei. Hindi niya aakalain masaya din pala kasama ang magpipinsan na to kahit na laging nag aaway ang kambal at si Suzi.
BINABASA MO ANG
The Barkada
Fiksyen PeminatWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.
