Extra chapter: Muling Ibalik?

245 4 0
                                        

A/N: Sa mga sinabihan ko ng plot netong The Barkada. There had been a change of plans. Kaya ayan.. 

~

RED's POV:

Ilang buwan nalang, aalis na ako. Kaya dapat, lahat sila masaya. Dapat lahat sila walang problema sa kapag umalis ako. Sasabihin ko naman sakanila after ng graduation eh. Syempre, dadalo muna akong graduation ball. I don't wanna miss that. 

At ngayon ay, September palang. Ang tagal ng oras. Gusto ko na umalis. Magka-college kasi ako sa US. Bakit? Kasi gusto ko umiwas muna. 

Ilang linggo or should I say buwan na din kaming hindi nagpapansinan ni Jamie. Nalaman niya kasing aalis ako. Pero nakakagulat lang kasi hindi niya sinabi sa iba. Si Chasie, sinabihan ko talaga siya. Kasi alam ko namang maiintindihan niya ako eh. 

Si Blake, hindi ko din siya pinapansin kasi, yun nga. Aalis ako. Masyado lang kasi akong masasaktan pag umalis ako na ayos kami. Kaya mas magandang, magkaaway kami. Pero hindi ko lang alam sakaniya. 

"Tara na sa room?" tanong ko sakanila. Pero hindi nila ako sinagot. Nagtetext lang yung iba. yung iba naka-molengs lang na parang hindi ako narinig. 

Ayos na pala si Daniella at Jestony. Nagpaliwanag naman si Jan. Sinuyo ng ilang linggo. Akalain mo, ang hirap suyuin ng babaeng yan. Tsssk.

"Tara na sa room?" ulit ko sa tanong ko pero mas malakas ngayon at mas inemphasize ko. 

Pero wala padin eh. Nyeta! Ang ayaw ko sa lahat yung nagsasalita ako tapos hindi nila ako sinasagot. Edi syempre, nainis ako. Tumayo ako at hindi na sila pinansin. Nagdirediretso nalang ako. 

"Red!" ngayon mo pa ko tatawagin, Daniella? Tinatanong ko kayo kanina. Nyeta! >___<

Kapag ako nagalit ng sobra at napa-P.I. Walang kaibi-kaibigan saakin. Shet plang. Hindi ko kayo ginaganyan kaya huwag niyo kong ganyanin.

Pumasok ako sa room namin. Wala pang masyadong tao. Eh anong oras palang naman kasi? 6:30 palang. Eh 9 nagsisimula mga klase. Tsss.

Sino palang nandito? Hmmm. Sino bang ka-close ko na nandito? Si Scott. Si Xyzma, medyo lang. Si Edward? Si Arnold? Hmmm. 

Lumapit ako kay Scott na nakaheadset at nakadungaw sa bintana. Tinabihan ko siya. Nagulat ata siya. Biglang napatingin saakin eh. Pero hindi halatang nagulat siya kasi nga wala pong emosyon ang kanyang mga mata. 

Tinanggal niya headset niya saka humarap saakin.

"Ba't ganyan itsura mo?" tanong niya saakin.

"Bakit?" tanong ko din.

"Kasimangot ka nanaman." nag-snap siya ng fingers nya. "Mali pala. Lagi ka namang nakasimangot." 

"Hindi naman lagi." depensa ko sa sarili ko.

"Oo na nga. Pwede na ngang pagsabitan ng kaldero yang nguso mo kapag nakasimangot ka eh." OA naman mang asar neto!

"OA mo naman!" pinalo ko siya sa braso niya. Medyo napalakas ata kasi napa-ow siya. Di ko na kasalanan kung mabigat kamay ko.

Tumawa lang siya. Edi tumawa din ako. Bakit kapag magkasama kami, tumatawa siya lagi. Pinagtatawanan ba niya ko? O.O

"Tara rooftop." aya niya saakin. 

Tumango lang ako tapos tumayo. Nauna akong naglakad, kinuha pa niya kasi yung gitara niya eh. Nice. Hindi ako maboboring. Saktong naglalakad kami papunta doon, nakasalubong ko yung mga "Kaibigan" ko. -__-

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon