~
"RISE AND SHINE!!!!"
Third Person's POV:
Nagulat ang lahat ng nasa kwarto ni Chasie sa pagsigaw ni Daniella. Yung iba napabangon, yung iba nagtakip ng unan, at si Red at Scott ay tulog parin. Palibhasa, nakaheadset sila at natulugan nila itong tumutugtog.
Magkatabi silang dalawa. Nung napatingin si Daniella sakanila ay agad nanlaki ang kaniyang dalawang mapupungay na mata sabay sigaw.
"SCOTT AT RED!?! BAKIT KAYO MAGKATABI?!?" sa pagsigaw na iyon ni Daniella ay hindi naiwasan ng iba na mapatingin sakanila.
"Miss Chasie, tawag na po kayo ng mommy mo. Kakain na daw po." mungkahi ng isang katulong nila Chasie.
"Be right there!" sigaw ni Chasie.
"Huy! Gising na!" pinagbabato ng mga unan ni Chasie yung mga tulog pa. Kaya agad silang nagising.
Sa hapag kainan...
Binati nila ang mga magulang ni Chasie na nakaupo na doon. Nagbabasa ng dyaryo ang daddy ni Chasie at umiinom naman ng kape ang mommy niya.
Naupo na ang lahat para sa kanilang umagahan.
Nang mapansin ni Chasie na wala ang kaniyang kuya, tinanong niya agad kung nasa ito.
"Mi, asan si Kuya?"
"Nagjogging." sagot ng kaniyang ina.
Naghanda na ng pagkain ang mga katulong sakto namang dumating si Jeniel na nagpupunas ng pawis.
Naglakad siya palapit sa hapag kainan ngunit pinigilan ito ng step-mom niya.
"No. Jeniel, go upstairs and take a shower. I don't want a sweaty person here in my dining room. Go!"
Napabuntong hininga ang binata.
"Ma, naman." lumapit siya sa kaniyang step-mom. As in sobrang lapit. Nandidiri naman ang itsura ng step-mom niya. "Mabango padin naman ako kahit pawisan ah."
"Ewww! Go take a shower! Noel, pagsabihan mo nga yang anak mo!"
Natawa na lamang sila.
Umakyat na ng kwarto niya ang binata upang makapagshower.
Nagsimula nang kumain ang mga nasa hapag kainan at hindi nila maiwasan ang pagkwekwentuhan.
"So, Nicolette.." napatingin si Nicolette sa ama ni Chasie na umiinom na ngayon ng kape. "Nililigawan ka ba ng anak ko?"
"Si Chasie po?" Nicolette
Natawa ang ama ni Chasie at nilapag niya ang kaniyang kape. "Silly girl. I mean Jen-jen. Jeniel."
Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig niya.
"Ho? Hindi po, tito! Promise! hindi po talaga." protesta nito.
"Oo na nga!" kontra ni Jamie. "Hmm! Tito, alam mo ay! Yang si Kuya Jeniel eh kung makabanat sa kaibigan namin akala mo katapusan na ng mundo. Halos langgamin na nga sa kasweetan niya kay Nicz pero-- ofnfjiawneksjhniawehnfj."
Hindi na naintindihan ng iba ang sinasabi ni Jamie dahil sinubuan ito ng madami ni Nicolette.
"Sarap nuh?" Nicolette, tumango nalang ang binata.

BINABASA MO ANG
The Barkada
ФанфикWrote this in 2015. Never had the chance to edit. I was just a child when I wrote this so forgive me for any grammatical errors, typos, failed attempt at humor, cliche parts, and etc.