Chapter 28.1:Masquerade Party

280 3 0
                                    

MASQUERADE PARTY, PART 1

~

RED's POV:

"Tara malling!" malling? anong malling?

Binatukan ni Nicz si Daniella. 

"Baka shopping yon?" Si nicz.

Andito nanaman kami sa tambayan. Wala nanamang magawa. Ngayon lang ulit kami nabuo. Yung as in buong buo. 

Ang dami nga namin eh. Dynamic trio + The Barkada + Kuya Realm and Ate Crey + Scott + Suzi and Xyzma. Dami diba?

Eh kasi namaaan! Birthday ni Chasie!!!!!!

Mamayang 9 pa ang party. Sa may bahay nila. Eh 3:30 palang ng hapon. Kaya, ayun, dito muna kami sa tambayan, kahit siksikan minsan.. Minsan lang naman. 

Edi ayun, nagkayayaan mag-malling daw sabi ni daniella. 

- MALL -

"Sama-sama nalang para mas enjoy." Suzi

Ang dami namin. Hahahaha. 16 kami. Ang ingay pa. Pinagtitinginan tuloy kami.

"Uhh? Hiwalay nalang kami ng kuya niyo." ate crey. 

"Sure kayo, ate?" tanong ni Daniella.

"Oo. May bibilhin din kasi siya eh. Pang grown up thingys." 

Grown up thingys? ano naman kayang bibilhin ni kuya? Tsss. Bahala sila..

Edi ayun, umalis na silang dalawa. sila na ba? Parang eh. Kung nagkataon eh... Paano kaya kapag sila nga, tapos eh niligawan ako ni blake, tapos naging kami? Edi ang ganda! Hahaha! Pero hindi ata mangyayare yun..

So ayan nga, dahil masquerade party ang mangyayare mamaya. Eh bumili na kami ng aming mga masks at gowns. Parang masquerade ball lang eh. Pero maganda na din yun. 

Secret secret naman daw mga binili namin para hindi namin kilala isa't isa mamaya. Syempre, sari-sariling kasama nanaman. Edi kasama ko yung dalawa, Nicz and Dan.

Sus, makikilala din lang naman namin ang isa't isa eh. Pustahan!

Andito kami sa isang dress shop. May iba ibang sections dito. Kaya hiwalay kaming tatlo. Andito ako sa mga goth section. Puro black ang dresses eh. Gothic talaga. 

My eye was caught by this black dress. Napaka-elegant niya. Napakaganda ng details. Eto na ang susuotin ko.

Nagkita kita kami sa counter ng shop para maorder na namin yung mga dresses namin. Ihahatid nalang daw sa bahay nila Chasie mamaya.

Next up, masks. 

"Gusto ko yung hindi talaga ako makilala. Ano kaya maganda?" Si Daniella.

"Edi huwag ka nalang pumunta para hindi ka makilala." si Nicolette. 

"Heh! Kung hindi ako kinokontra ni Red, ikaw kumokontra saakin."

Basta ganyan sila. Natatawa nalang ako.

Namili na kami ng mga masks namin. 

(A/N: Lahat po ng mga photos ay makikita sa Official Page ng The Barkada na kagagawa lamang. Thankyou!)

After that not-so-long session of 'malling'. We decided to go directly to the Villanueva Residences. 

Time Check: 7:46p.m.

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon