Chapter 18: Revelations

257 4 2
  • Dedicated kay Nicz Faith Bangilan
                                    

Dedicated po itong chapter na ito sa mga psycho! Jk. Sa kaibigan ko pong si Nicole Fay Bangilan. Siya po si Chasie Andrea Villanueva. Siya ang tumatayong character ni Chasie. At sabi niya idol na daw po niya ako. WAHAHA! Nakakabaliw! XD At isa pa, magma-migrate na daw kasi sila sa Canada. D: Sayang naman. Mamimiss ka namin Nicoleleg. XD

~

SCOTT's POV:

"Please tell me this is a joke! Please! I can't have a psycho again in my family!" i think maiiyak ako sa sinabi nila. I think lang naman. Kaya hindi ako naiyak.

[A/N: Sa mga tamad magbasa at mga quotations nalang binabasa, it would be better kung babasahin niyo tong mahabang paragraphs para alam niyo kung paano naging psycho si Sue. 'Kay? Tnx.]

This is a very big problem. Wanna know why? Suzi's a psycho. But that was before pero nagbago na siya ngayon. Hindi ko naman alam pwedeng bumalik yang ganyang ugali na. Almost 3 months din kaming pabalik balik sa psychiatrist niya eh. 

Nagsimula yan noong 1st year kami. Tha day our little sister died. Yes. May little sister pa kami. At mahal na mahal siya ni Suzi. She was 3 when she died. Ang daming sinacrifice ni Suzi para kay Sunny. Muntik pa nga siya mamatay dahil sinagip niya si Sunny noon nung biglang tumawid si Sunny. Eh si Sue lang kasama niya noon. Ako naman bumibili ng makakain namin. Sila mom and dad may kausap na business partner daw nila.

Namatay si Sunny dahil pinasuk kami ng mga magnanakaw. Pinatay nila si Sunny sa harap namin ni Sue. Sila mommy tinurukan ata ng mga magnanakaw na to ng pampatulog. Tss. Since ako ang panganay. Ako nalang ang tanging pag asa ng dalawa kong baby sister.

Iyak ng iyak si Sunny. Pati si Sue. Pinapatigil nila si Sunny pero hindi padin ito tumitigil. Nainis yung mga magnanakaw kaya sinipa nila yung tiyan ni Sunny. Napatayo ako sa inis at si Sue naman sumigaw saka nilapitan si Sunny. Umiyak siya lalo. Sinubukan kong suntukin yung sumipa kay Sunny pero nakailag siya at sinikmuraan ako kaya napahiga ako. Tapos sinipa sipa nila ako. 

Nakita kong tumayo si Sue. Nakayuko lang siya. Nakakuyom ang palad niya. Bigla siyang tumawa. Tawa na parang nababaliw na. Madami siyang sinabi sa mga magnanakaw. dahan dahan niyang iniangat ang ulo niya atsaka mabilis na lumapit sa isa isang magnanakaw. Ang alam ko nalang, may limang putok ng baril. Medyo malabo kasi paningin ko dahil sa ginawa nila saakin. 

After ng limang putok ng baril, natumba sila isa isa. Yung sumipa kay Sunny? Tinadtad ng putok ng baril ni Sue. Nung naubos yung bala ng baril mabilis niyang kinuha yung malaking kitchen knife at tinadtad ng saksak yung sumipa kay Sunny. 

Mula noon lahat nalang ng nakakasalubong niya na titingin sakaniya sinasaktan niya. Lagi siyang may dalang swiss knife. Kung hindi naman swiss knife, gunting na malaki na matalim. Lagi siyang may nasasaksak. kaya naman Ipinunta namin siya sa isa sa mga pinakamagaling na psychiatrist. 

After 3 months, onti onti siyang nagbabago. Onti onting bumabalik yung dating Suzi na masayahin at mabait. During that 3 months, pagpapasok siya ng school, lagi na siyang nilalayuan. Para siyang may sakit na nakakahawa. 

Sabi ng psychiatrist kapag nakakaki-- THAT'S IT!!

"Alam ko na kung bakit siya bumalik sa dati!!" sigaw ko nalang bigla. Napatingin silang lahat sakin. Tinaasan ako ng kilay ni Chasie at Red. Napatingin ako sakanila isa isa.

Si Blake halatang naghihintay ng susunod kong sasabihin at ganon din naman si Jan. Si Daniella halatang nag aalala. Si Nicz naman kinakabahan. Si Chandria, parang nag iisip. Si Red at Chasie nakataas lang isa nilang kilay, naghihintay din ng sasabihin ko. At si Jamie.... Hindi ko mabasa nasa isip niya. Ang hirap niyang ipredict. Ano nga ba iniisp niya?

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon