Chapter 32: Awkward

228 2 1
                                    

~

SCOTTs POV:

"Lalaine Hansson, hindi ba?" tanong ni Alen. Tumango lang ako. "Nakita ko na." 

Nagsilapitan kaming lahat sakaniya.

"Wait, kilala ko yan." nakaturo si Jamie sa litrato habang ineexamine ang mukha. "Si ano... Tsk! Sino na nga ba ulit yan? Tsk! Ugh! Think, Jamie, think..."

Matagal bago niya naalala ang babae sa litrato.

"AHA! Siya yung babaeng kalaro ko nung bata!" Jamie

"Ano pang alam mo sakaniya?" Tanong ko.

"Eyn ang sabi niyang pangalan niya. Basta hapon naglalaro kami sa park malapit sa bahay. Blake, alam mo yung park na yun eh. Malapit doon yung bahay nila. Pagsapit ng alas sais, may tatawag sakaniyang matandang babae. Lola ang tawag niya doon. Basta yun lang alam ko sakaniya. Hindi niya sinabi saakin buong pangalan niya eh." Jamie.

"Nandoon pa kaya sila?" tanong ni Julien.

"Hindi ko alam kung nandoon pa siya pero nakikita ko lola niya doon." Jamie.

"Then let's go." ako, tapos kinuha yung leather jacket ko.

Kumatok si Jamie sa pintuan ng bahay ng lola ni Lalaine.

Bumukas ang pinto at bumungad saamin ang lola ni Lalaine.

"Sino sila?" tanong niya saamin.

"Ahh. Ako po si Jamie. Dyan lang po bahay namin." pakilala ni Jamie. "Eto po mga kaibigan ko."

"Anong maipaglulungkod ko sainyo, ijo?" Lola ni Lalaine

"Andyan po ba si Eyn?" Jamie.

"Anong kaylangan mo sa apo ko?"

"Kalaro niya po ako noong bata. Uhm? Siguro naman po nabanggit niya ako. Ren-ren po ang tawag niya saakin." 

"Ahh. Ikaw pala. Pasok kayo." 

Edi pumasok kami. Hindi kalakihan yung bahay pero kasya naman kami. Konti lang naman kami. Ang kasama ko ay si Julien, Cris, Red, Nicz, at Jamie.

Naiwan yung iba para makapag research pa at para makatake note na din sa mga information na masasagap namin. 

May maliit kaming earpiece. Parang mga agents. Basta bla bla bla.

"Mamaya pa uuwe si Eyn dahil may pasok siya. Magmeryenda muna kayo." nilapag nung lola yung tray na may cookies at orange juice.

As usual, si Cristoff nanaman ang nanguna sa Cookies at si Red sa orange juice. Laging nagcrecrave sa orange juice yan.

"Ano palang kaylangan niyo sakaniya?" tanong nung Lola.

"Uy, scott. Ikaw na magsabi." bulong saakin ni Jamie.

"Ahh. Uhm? Kaibigan po ako ni Lucas. Yung kuya ni Lalaine. Nan--" hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi may pumasok. I think she is the one we're looking for.

Napatayo kaming lahat.

"Lola, andit--.." nabigla siya nang makita niya kami. "May bisita po pala kayo. Aakyat na po muna ako." nakangiti niyang sabi.

"Eyn." tawag ni Jamie sakaniya kaya napatigil ito at tumingin sakaniya. "Naaalala mo pa ba ako?"

Tinignang mabuti ni Lalaine si Jamie atsaka tumawa. 

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon