Chapter 45: Love of a Mother

212 3 0
                                    

~

DANIELLA's POV:

"What do you mean my Fiancé?" tanong ko sa lalaking to na nahihibang na ata. Psh! Excuse me, wala akong Fiance. Ako ang dapat mamili ng gusto kong maging kabiyak. Yii! Korni po! Tae! -__-#

"Hindi ko nga din alam eh. Basta bumisita nalang isang araw parents mo sa bahay namin at yun na. Paggising ko ako na daw fiance ng anak nila. Hindi ko naman inaakalang bungangera pala magiging fiance ko tapos mga kaibigan mga basagulero't basagulera pa. Tss!"

"Ang yabang neto ah!" ayan na eh. Naku, lagot ka kay Jamie ngayon. "Akala mo kung sino kang perpekto. Ano? One on one nalang tayo?!"

"See? Tss. De-deny pa kasi, totoo naman." may point din siya. Umangal lang kasi agad si Jamie. Kaya ngayon, wala siyang nasabi.

"Hoy! Huwag kang mayabang dahil nasa teritoryo ka namin." sabi naman ni Suzy. Psh! Apprentice siya ni Scott at Red. Gusto din ata masubukang makapatay. Or worse, baka gusto niyang masubukang mamatay.

Sa mundo ng gangsters, bawal ang pa-kikay. Okay lang kung medics lang, pero kung gansgter talaga, eh dapat walang arte arte. Kikay pa naman siya. Psh! Baka maputulan lang ng kuko eh iiyak na.

Teka nga, bakit sakaniya napunta usapan? >_<

"Akala mo kung sino ka ah! Sino ka ba?!" okay. Good thing he asked. I would love to do the honor to introduce the Crossfire Siblings to this outsider. Kaya naman linapitan ko si Suzy at Scott at inakabayan silang dalawa. Agad namang inalis ni Scott kamay ko. Psh! -__-

"Oh? Sila nga pala si Suzy at Scott. Ang Crossfire Siblings. Mga kaibigan ko. Kambal sila." syempre with matching smile pa para ramdam na ramdam niya ang kahihiyan. Ay Jusko! Gusto ko na tumawa dahil sa itsura niya. XD

"W-what??" oh? Di ba? Di maka-believe.Satsat kasi ng satsat. Yabang ng yabang. Anyway, hindi pa namin alam pangalan niya. Wahahaha! XD Eh ano nga ba kasi.

"Ano ba pangalan mo?" buti naman at nagsalita din tong cold guy na to. And with cold guy I mean Scott. Kanina pa walang imik eh. Buti napapanis laway niya.

Infairness ha. May balak atang pag hintayin kami ng isang dekada dito. Haler? Para sabihin lang pangalan ang tagal pa. Pinag iisipan pa ba kung anong isasagot? Like duh? Lahat tayo may pangalan. Sino ba namang walang pangalan sa mundo? Magsabi nga kayo? 

 "It's Novice." Novice? Anong klaseng pangalan yon? Pfft! 

"Wait, Novice? Anong surname mo?" angas nating Nicolette ah? 

"Yan. Ako si Novice Yan." taas noong sagot ni Novice pero hindi yon ang nakaagaw sa pansin namin kundi ang apilyedo niya. Anong Yan? Kaano ano niya si Nicolette? Bakit ba lahat nalang may konekta saamin. Napaka naman oh. Napakaliit ng mundo.

"Say what??" walang paniniwala sa tono ng boses na tanong ni Chandria. "So kaano ano mo tong si Nicolette Yan?" tinuro ni Chandie si Nicz.

"Nicolette Yan? Siya?" ay hinde! Ako! Ako si Nicolette Yan! Tinuro na nga ni Chandria tapos itatanong pa? Napaka talaga! "Ewan ko. Doesn't ring a bell." 

"He's useless. Just let him go." walang emosyong saad ni Red atsaka naupo. Napatingin naman kami kay Chandria, hudyat para tanggalin na niya yung posas. Pero parang nagpanic siya at ngumiti ng alanganin. "Oh? Anong ginagawa niyo? Di ba sabi ko palayasin niyo na siya dahil naiinis lang ako."

The BarkadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon